PRINSESA PRIYA Kinabukasan ay hinayaan na ako ni Ama na lumabas sa aking tahanan. Kaagad akong nagpunta sa kanilang tahanan ni Ina para sa magaganap na lihim na pagpupulong. Lingid ito sa kaalaman ng aming mga kalaban. Habang nakakulong pala ako ay tahimik na si ama na nangangalap ng impormasyon para sa mga tapat naming mandirigma na makakatulong sa amin sa pakikipaglaban. Alam kong suntok sa buwan itong gagawin naming pasya. Naisip na rin siguro ni Ama na kahit anong gawin niyang pag-iwas sa pakikidigma upang ma-protektahan ang aming tribo ay mawawalan din ng saysay ang lahat kapag natuloy ang kasal namin ni Amir. Bago siya umalis kagabi ay humingi siya ng tawad sa akin. Sinabi niya kung gaano siya nagsisisi, at sinabi din niya na wala naman talaga siyang balak na ipapatay si Fernan. Si

