Chapter 39

1795 Words

PRINSESA PRIYA Papauwi na kami sa banwa nang masalubong namin si Amir. Nakasakay din ito sa kabayo at mabilis na bumaba nang makita ako. “Prinsesa, mabuti naman lumabas ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi ko nagawang makadalaw sa’yo dahil may mahalaga akong ginagawa lalo pa’t nalalapit na ang kasal nating dalawa.” Nakangiti niyang habang palapit sa akin. Ngunit naging malamig na ang pakikitungo ko sa kanya. Kaya walang emosyon ko siyang tinignan. “Masaya ako at nagpasya ka ng lumabas. Ilang araw na lang kasal na natin.” Dagdag pa niya. Sa halip na sagutin ay lumingon ako kay Bakru na nasa aking likuran. “Tara na Bakru, kailangan ko ng magpahinga.” Wika ko sa kanya at pinihit ang aking kabayo upang pumasok na sa banwa. Ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang ay hinarangan na niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD