Chapter 40

2330 Words

THIRD PERSON'S POV Sa hindi kalayuan ay naghahanda na si Fernan sa pagsalakay hudyat na lamang ang kanilang hinihintay mula kay Isaiah sakay silang lahat ng kabayo. Kasama ang dalawang daan na katao na may hawak na mataas na kalibre ng baril. “Matagal pa ba?!” Inip na tanong ni Fernan kay Xandro. “Naririndi na ako sa kakulitan mo. Puro kayo sakit ng ulo. Pagkatapos ko kay Iñigo ikaw naman. Hay naku! Hindi na ako makakapag-asawa dahil sa inyo.” Reklamo niya sa kaibigan dahil sa paulit-ulit at hindi mapakaling tanong nito. “Kung ikaw nasa sitwasyon ko baka kanina palang lumipad ka na papunta doon!” Napabuntong-hininga si Xandro. Alam naman niyang kanina pa ito nagmamadaling pumunta sa tribo ng Mandan ngunit hindi sila maaaring magpadalos-dalos dahil nasa loob at labas ang mga kalaban.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD