PRINSESA PRIYA Tatlong araw na ang nakalipas nang matapos ang digmaan lahat ng mga bangkay ng kalaban ay nailibing na rin ng sama-sama habang ang mga kalaban na sumuko ay pinapili ni Ama kung aanib sa aming tribo o aalis at hindi na babalik. Kasama narin natirang sa angkan at asawa ni Samaro. Mas pinili nilang umalis at hinayaan sila ni Ama. Mas magiging delikado daw kasi sa amin kung tatangapin parin namin sila gayong kami ang dahilan ng pagkawala ng mga mahal nila sa buhay. Malaki ang pasasalamat namin kay Xandro kung hindi dahil sa kanya ay hindi namin kakayanin ang tribong Andak. Kung hindi dahil sa tulong ni Isaiah ay baka tuluyan nang nama-alam si Ama dahil sa matinding sugat na kanyang tinamo. Hindi ko akalain na bukod sa pagiging doctor ay magaling din siya sa pakikipaglaban. Siy

