Yanyan's "Steff?" "Steff?" "Uy." "Ano!" Napalunok ako nang naiiritang nilingon niya ako. Huhu! Ang taray ni Steff ngayon! Ano ba kasing ginawa ko? Kanina pa kami magkasama dito sa kwarto ko. Actually kanina pang umaga pero kasi...kinakabahan ako. Hindi ko nga alam kung anong palusot yung mga pinagsasabi niya kay mama kaya hindi ako pinapasok, eh. Hindi ko rin alam kung nagtataka ba sina Cindy o hindi. Pero sure ako na walang pakielam yung babaeng 'yon. Since kanina pa rin walang imik si Steff, nandito lang kami sa kama. Nakaupo ako at nakasandal sa headboard tapos siya ay nakahiga lang at kanina pa nakahawak sa kamay ko, pero, pero...ayaw niya talaga akong kausapin! "Bakit ba ayaw mo akong pansinin?" Tanong ko. Hinihintay ko siyang sumagot pero wala. Nga-nga lang, ang snob niya po.

