Cindy's "Nasakit na ulo ko!" Naiinis na sabi ko habang pinipilit na dugtungan yung ginagawa ko sa thesis namin. Badtrip kasi, bakit may mga ganito pang kalokohan! Jusko papatayin nito lahat ng estudyante. "Cindy, gusto mo ako nang tumapos?" Tanong ni Juliet habang nakatingin sa'kin na parang nag-aalala. Umiling lang ako at tiningnan siya. Mas kaawa-awa pa siya sa'kin, dalawang layer na yung eyebags niya dahil kulang siya sa tulog dahil sa thesis namin. Namumutla na rin yung lips niya, mukhang dehydrated na rin. Paano, ginagawang tubig yung kape, aba malala pa siya sa adik kung uminom! Bumuntong hininga ako. Per group naman talaga yung thesis, kaso sa kinamalas-malasan, irregular yung mga naging kasama namin, at ang mas masama pa, may mga research din silang tinatapos sa ibang subject.

