Steff's "Ma'am—" "Ang kulit mo, be," Sabi ko sa ka-workmate at close friend ko na ring si Mico."Sabing huwag mo 'kong tatawaging ma'am. Nakakaloka ka na!" Si bakla, inirapan naman ako. Edi inirapan ko din siya. "Eh, kasi po, mas mataas posisyon ninyo sa'kin kaya tiisin mo 'ko!" "Oo na lang." Sabi ko habang tuloy lang sa pag-aayos ng mga gamit ko. Eh, sa excited na 'kong umuwi, tsaka dadaan pa ako kay Yanyan my love. Yee. Daan muna kaya ako sa mall para mabilhan ko na rin ng pasalubong? "May kailangan ka ba?" "Ako waley," Sabi niya na ikinataas ng kilay ko. "Pero si bossing natin, meron." Muntik na akong mapairap doon sa huling sinabi niya. Bumuntong hininga na lang ako at tumango. Umalis naman na agad si Mico, mukhang ngarag na ngarag. Haharot na naman siguro. Pagkatapos mag-ayos ay

