BUONG biyaheng halos hindi nakatulog si Brianna kakaisip sa pagkawala ng ate Ina niya sa di malamang kadahilanan. Hindi rin maiwasang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Adrian. How could he said something like that? Malayo sa inaasahan niya ang mga sinabi nito.
Wala manlang sinabi o tinanong sa kanya tunngkol sa pagkawala ng ate niya. Well it was just a short call but definitely not just a simple call. Ang sabihin nitong namimiss siya nito at gusto siya nitong makita? Hindi niya masabi kung nagbibiro lamang ito.
Pero isa lang ang sigurado siya yun ay magiging isang malaking threat ito sa kaniya lalo na at iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi naman sa takot siya sa lalaki gusto niya lang umiwas sa gulo.
He’s my sister’s husband.
Iyan ang paulit ulit at parang sirang plakang nagsi-sink in sa utak niya dahil kahit bali-baligtarin man ang mundo asawa ito ng ate Ina niya.
Nang makarating siya sa airport ay agad niyang nakita ang susundo sa kanya. It was their family driver. Si Mang Lito. Sa pagkakaalam nya ay matagal na nilang driver ito since she was a kid. Sa ilang taong paninilbihan nito sa pamilya nila ay nagging masipag naman ito mapa hanggang ngayon.
“Ma’am Anna! Kumusta na po kayo? Matagal tagal na rin po nung huli kayong napunta dito sa Pinas.”, nakangiting tanong nito sa kanya habang nilalagay ang iba pa niyang bagahe sa backseat.
Agad naman niya itong nginitian.
“Naku ayos lang po ako at saka Mang Lito huwag niyo na po akong tawaging Ma’am Anna kahit Brianna o Anna ay ok na po.”, natatawang sabi nya rito.
Napakamot ito sa batok at natawa na rin.
“Pasensya na M—Anna, ako’y nasanay lamang na tawagin kang Ma’am Anna tutal ay amo ko parin ho kayo.”
Nginitian nya lamang ito at inalalayan pa siyang sumakay na sa back seat at binuhay na ang makina ng sasakyan at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
“Kamusta naman ho ang buhay niyo sa ibang bansa?”, tanong nito.
Binuksan niya ang bintana ng kotse sa kanyang tabi at luminga-linga sa paligid.
It’s been five years at marami na rin pa lang nagbago ditto, aniya sa sarili.
“Ayos lang din po Mang Lito. Marami naman po akong naging kakilala at mga naging kaibigan sa Italy. Sa katunayan nga po ay may darating na Fashion Event…”, she paused and suddenly remember what happened to her beloved sister.
“Kaya lang po kaylangan kong umuwi muna dahil gusto ko pong tumulong sa paghahanap sa ate ko.”
Napabuntong hininga siya.
“Nag-aalala nga po ang lahat lalo na si Sir Daniel kaya nag patulong na ho siya sa mga pulis at iba pa niyang kakilala para makatulong sa paghahanap kay Ma’am Celestina.”, anito.
Naging maayos at tahimik naman ang buong biyahe minsan ay nagkukwentuhan naman sila ni Mang Lito.
Hmm… I’m finally back, aniya.
Hindi niya maikakaila na namiss niya ang buhay niya sa Pilipinas dahil sa Italy malayo siya sa kanyang pamilya sa Daddy at kapatid niya.
Sana lang ay maging maayos na ang lahat at mahanap na namin ang ate Celestina ko, aniya sa sarili.
Nag-aalala siya para sa ate niya dahil ngayon lamang nangyari ang bagay na ito. Hindi gawain ng ate niya ang umalis at hindi magpaalam. Parang nung nakaraan lamang ay nag-uusap pa sila at nagkakamustahan. Ipinagdarasal niya na sana lang ay nasa maayos na kalagayan ang ate niya kung nasan man ito ngayon.
She was looking at the window of the car when her phone suddenly rung. It was a text message from unknown number. There’s the hesitation if she will open the message or not. Dahil nung huling may nagpadala sa kanya ng text massage from unknown number ay bad news ito. Hindi man niya kilala ang numero ng nagpadala sa kanya ng mensahe pero wala namang mawawala kung babasahin nya ito.
She opened the text message and read it slowly.
WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES, MY BRIANNA.
-A
That was a short message pero parang alam niya na kung sino ang nagpadala ng mensahe.
Nagtatakha man siya kung sino ba ang sender ng text message na iyon. Who is ‘A’?, aniya sa sarili. Isa lang ang pumasok sa isipan nya. Dahil wala naming ibang tumatawag sa kanya ng kanyang buong pangalan kundi ito lang. And the word “MY” no one call her in that way.
Adrian…Could it be him again?
PAGKADATING na pagkadating ni Brianna sa bahay nila ay agad siyang sinalubong ng yakap ng ama na puno ng pangungulila. Halatang miss na miss siya ng ama sa tagal nilang hindi nagsama dahil madalas ay tumatawag o nag-video call lamang siya sa ama o sa kapatid pag kinakamusta niya o namimiss niya ang mga ito.
Kahit na ito ay matanda na ay makikita pa rin sa mukha nito ang pagiging magandang lalaki. Ganun din ang namayapa niyang ina maganda rin ito at kasing bait din ng kaniyang ama.
Halatang halata sa mukha ng kaniyang ama na ito ay sobrang nag-aalala sa nangyaring pagkawala ng kapatid nya.
“Anak… Kumusta ka na? Masaya ako at bumalik ka na.”, anito.
Napangiti sya at yumakap uli panandalian sa ama.
“Dad, ayos lang po ako at masaya rin po ako na bumalik lalo na at miss na miss ko na po kayo.”, aniya.
“Anak, alam kong nabalitaan mo na ang nangyari sa ate Celestina mo… Tulungan mo ako anak ayoko na may mawala muli sa pamilya natin… Baka di ko kayanin pag nawala pa ang ate mo sa atin.”, malungkot na sabi nito sa kanya.
She let herself cry in front of her father. Alam nyang mahal na mahal sila ng kanilang ama lalo na’t minsan ng may nawala sa kanila. It was her mother together with her unborn brother. Namatay ang mga ito dahil sa isang car accident at patuloy pa ring sinisisi ng kanyang ama ang sarili nito dahil sa nangyari.
Brianna doesn’t want her father to become miserable again. Nasaksihan na niya kasi kung paano nito sisihin ang sarili sa pagkamatay ng kanyang ina at kapatid sa pamamagitan ng pagpapakalunod sa alak na halos araw araw at magdamag nitong ginagawa noon. Kaya’t bumagsak ang kanilang mga negosyo na naging maayos lang nung magpakasal ang kanyang Ate kay Adrian.
“I promise you Dad that I will never stop finding my sister and I will bring her back to us… I promise you that.” she said with finality.