Chapter 4

1353 Words
PAGKATAPOS pakalmahin ni Brianna ang sarili ay dali dali syang bumalik sa binata. Baka isipin nitong binabastos nya ito dahil sa pag-iwan dito. That is when she saw her father talking with him. Kaya’t nanatili muna sya sa kinatatayuan at nakinig sa usapan ng dalawa. “Hijo, kamusta ang paghahanap kay Celestina? May balita na ba ang mga pulis?”, ani ng kanyang ama na nakaupo sa single couch malapit kay Adrian. “Sa ngayon Dad, wala pa pong balita pero ginagawa naman po nila ang lahat ng paraan para mahanap ang asawa ko. Humingi na rin po ako ng tulong sa mga kakilala ko para mas mapadali ang paghahanap natin sa kanya.” Mababakas sa mukha ng binata kung gaano ito ka seryoso sa mga sinabi nito, na syang dahilan kung bakit nakaramdam siya ng biglaang pagkirot sa dibdib niya lalo na ng banggitin nito ang ‘asawa ko’. “That’s good to hear, Hijo. I hope mahanap na si C-Celestina… d-dahil ayokong mawala ang a-anak ko b-baka di ko kayanin.”, her dad said with a glint of sadness in his eyes. Sa totoo lang, naaawa sya sa ama. Alam nyang naii-stress na ito dahil sa paghahanap sa ate nya. Kaya’t ang tanging magagawa na lang nya ay tulungan ito sa paghahanap sa ate nya at ibalik ito sa pamilya nila para maging maayos na ang lahat. Lumapit siya ama at humalik sa pisngi nito. “Hi Dad, I thought you’re asleep?”, aniya. “Hija! Andyan ka na pala. Nagising kasi ako at nauhaw ayoko naming tawagin pa sila manang kaya’t bumaba ako at nakita ko si Adrian.”, anito kaya’t tumango na lamang siya. “Anyway, Adrian told me na umalis ka bigla. San ka ba nagpunta?”, tanong nito. Umupo muna siya sa couch malapit sa ama bago muling nagsalita. “Ahmm… May kinuha lang ako dad. Pasensya na po.”, aniya at tiningnan si Adrian ng masama na pag ngisi lamang ang iginanti sa kanya. Her father fake a cough. Siguro dahil napansin nito ang klase ng titig niya sa lalaki na animo’y papatayin na niya ito sa klase ng pagtitig nya. Agad naman siyang nagbaba ng tingin. “Sorry, dad…” Tumango lamang ang matanda at muling tumingin sa lalaki. “Let’s go back to the topic, Hijo. Tutal pareho naman kayo ng anak kong si Brianna na tumutulong sa paghahanap kay Celestina. Bakit hindi na lang kayo magsama para mas mapadali ang paghahanap? Is it a good idea, anak?”, mungkahi ng kanyang ama. “But dad—” Akmang aapela pa sana siya, pero mukhang nakapagdesisyon na ang ama. “No buts, Brianna.” maawtoridad na sabi ng ama kaya’t tumahimik na lamang siya at muling sumulyap kay Adrian na tahimik lang na nakikinig sa kanila. “Helping each other is an easy way para mas lalong mapadali ang paghahanap sa asawa mo Adrian at mas mapapadali yun kung magtutulungan kayo ni Brianna. Alam kong hindi tayo matitiis ni Celestina at babalik din siya dahil alam nyang may pamilyang nag-aantay sa kanya…”, he father paused halata ang lungkot sa mukha nito. “Pero gusto kong makasigurado na maayos ang kalagayan ng aking anak. Sana bumalik na sya… I-I really miss my daughter. “, malungkot na sabi nito. “Me too… Dad…”, she said at lumapit sa ama para yumakap. She really miss her sister too. Sana nga bumalik na si ate Ina… Para mabuo na uli ang pamilya, natin, aniya sa sarili.     IT’S just six in the morning ng magising si Brianna dahil sa ingay. Dali-dali siyang bumaba upang tignan kung anuman ang nangyayari. “Dad? What’s happening? Bakit nandito si Adrian? A-And pati itong mga gamit niya dad?!”, usisa niya sa ama. Pagkagising na pagkagising nya kasi ay nakita nya si Adrian sa sala nila at nagkakape habang ang mga maleta nito ay ipinapasok naman ng mga kasambahay nila sa loob mansion nila. Kaya’t dali dali siyang pumunta sa ama na pababa pa lamang ng hagdan suot ang office attire nito. Mukhang papasok na ito sa kompanya nila. “Dito na muna sya titira, anak.” anito. “Pero dad—para san pa? Bakit kaylangan pang tumira siya dito? May sarili na man siyang bahay diba?”, tanong niya. Bakit ba kasi kaylangang tumira pa ang lalaki sa bahay nila? Para san pa? Kinuha ng dad niya ang suit nito at humalik sa pisngi niya. “Tama na ang mga tanong anak, nagmumukha ka ng reporter at hindi isang fashion designer.”, natatawang sabi nito. “Pero Dad—“ “Mabuti na rin ito anak at napag-usapan na rin namin ni Adrian ito. I hope you understand.”, anito. Wala na siyang nagawa pa at sumang-ayon na lamang sa ama. “Oh sya, aalis na ako at baka ma-late ako at marami pa naman akong meetings ngayon. Be a good girl, Anna.” Iyon lang at nagpaalam pa ito sa binata na nagkakape pa rin bago umalis. Sana lang kabahan ka sa pagkakape mo na yan, ani ng evil side nya. Masamang tingin ang ipinukol niya dito at nakipagtagisan din ito ng tingin sa kanya. Bumuntong hininga na lamang siya at padabog na umakyat sa kwarto niya. Ayaw niyang makasama ni makausap ang lalaki. Pero paano mangyayari yun kung sa bahay na nila mismo ito nakatira. Naiinis siya pero hindi naman niya magawang magalit sa ama. It looks like she’s in trouble again.     NAGKULONG lang si Brianna sa kwarto niya gaya ng kadalasan niyang ginagawa pag wala ang ama. Inasikaso na lamang niya ang design ng gown para sa darating na kasal ng isa sa mga kaibigan niya. Nagpasadya talaga ito na magpagawa ng wedding gown sa kanya ng malaman nito na nasa Pinas siya humingi rin ito ng tawad sa nangyari sa ate niya at nangakong tutulong sa paghahanap. Dahil sa kaibigan siya nito at may tiwala ito sa kanya na magagawa niya ang gown nito ng maayos. Bilang regalo na rin dito ay di na niya ito pagbabayarin pa. Sa madaling salita ay sagot na nya ang trahe de boda nito. Simple lang naman din kasi ang gustong wedding gown nito. Something simple but elegant ang dating. Kaya ang ginawa nya ay pa-tube ang gown na above the knee sa harap na pa-long back sa likod tamang tama lang na sasayad sa oras na ito ay maglakad papunta sa altar. May crystal design sa bandang dibdib pati na rin sa baba. May pa-raffles din sa baba ng gown. Simpleng-simple lang ang design ng gown nito at siguradong magugustuhan nito iyon. Sana pagdating ng panahon ay maikasal din siya sa taong mamahalin niya habang buhay gaya ng kaibigan niya, aniya sa sarili. Pagkatapos ay naligo muna sya at nagbabad sa bath tub ng may biglang kumatok sa pinto nya. “Manang sandali lang po! Susunod na lang po ako!”, saglit na tumigil ang pagkatok ngunit muli nanamang may kumatok. Napabuntong hininga na lamang siya at kinuha muna ang roba niya para takpan ang hubad na katawan at piniga ang buhok. “Sandali!”, sigaw niya. Binuksan niya ang pinto not sure kung isa ba ito sa mga katulong nila. “Manang, diba sinabi ko ng—A-Adrian? A-Anong ginagawa mo dito?” It was Adrian. Ano bang ginagawa nito dito? Tanong niya sa sarili. Nakita niyang pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at muling ibinalik ang tingin sa dibdib niya kaya’t hinigpitan nya ang pagkakatali ng kanyang roba. “You’re…beautiful.”, anito. Hindi nya naiwasang pamulahanan sa sinabi nito. Is it a compliment? Well, thanks to that. Pero imbis na magpasalamat ay ito lamang ang nasabi niya. “What the hell are you doing here, Adrian? Kung wala kang matinong sasabihin ay umalis ka na lang—” Isasara na sana nya ang pinto ng iharang nito ang sarili doon para hindi niya ito tuluyang maisara. “What!”, aniya. “You should at least wear something before you open the door. I almost see your 36 B cup breasts because of that damn cloth.”, anito kaya’t nag-init ang mga pisngi niya at dahilan din kung bakit bigla niya itong susugurin. Huli na dahil mabilis na sumibad ang lalaki na narinig niya pang tumatawa. “By the way, the dinner is ready. Just go downstairs if you’re done.” Malakas na isinara niya ang pinto. “Jerk!”, sigaw niya dito pero halakhak lang ang iginanti nito sa kanya. Tila gusto na niyang sumabog sa galit dahil sa mga sinabi nito. How dare him to look at her breasts? p*****t! Nanggigigil siya sa galit dito. I want to kill him, aniya sa sarili. Sinisira ng lalaki ang gabi niya. Ikinalma na muna niya ang sarili bago nagbihis at inayos ang sarili bago bumaba para mag hapunan. Konting tiis lang Brianna matatapos din ang lahat, aniya at nagpakawala ng isang buntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD