Chapter 12

1629 Words
“DOC? Kamusta na po ang mag ina ko? Ano pong nangyari? Ayos lang po ba ang lagay nila?”, agad na tanong ni Nathan pagkalabas na pagkalabas ng doktor mula sa ER kung nasaan ang ate Ina niya. Tumingin ito sa kanila at hinihintay naman nila ang sagot ng doktor. Ngumiti ito sa kanila. “Hijo, Ayos lang siya pati na rin ang bata sa sinapupunan nya. Dinugo lamang siya at kaylangan niya ng pahinga at umiwas sa stress para hindi na maulit pa ito.”, anito. Bumuntong hininga si Nathan na tanda na nakampante na ito sa sinabi ng doktor dahil kanina lamang ay palakad lakad ito dahil sa lagay ng ate niya kanina. “Thank you Doc.” Tinapik ng doktor ang balikat ni Nathan. “Walang anuman hijo, sige una na ako at may mga aasikasuhin pa ako.”, ayun lang lang at umalis na ito. Kung nakampante si Nathan ay ganun din sila na nakaupo lamang habang inaantay ang doktor kanina. Kanina lamang ay panay ang dasal nila na sana ay walang mangyari sa ate Ina niya. She loves her ate so much. Ayaw niyang mapahamak ito lalo na at may batang nabubuhay sa sinapupunan nito. Napahawak siya sa impis na tiyan. She’s happy dahil meron ding anghel na nabubuhay sa sinapupunan niya but she’s also afraid at the same time. Paano na lang pagnalaman ng ama niya na buntis siya ano bang magiging reaksyon nito? Eh si Adrian? Tatanggapin kaya nito ang bata? Pero mas kinakatakot niya ay ang magiging reaksyon ni Don Lucio. Ngayon nga lang na nalaman nito ang tungkol sa ate niya ay galit na galit ito at muntik pang mapahamak ang ate niya at ang anak nito. Pano na lang kaya pag nalaman nito na may nangyari sa kanila ni Adrian at nagbunga iyon? At ang mas malala ay nangyari iyon na kasal naman ito sa ate Ina niya. Parang bumaba tuloy ang tingin niya sa sarili. Bakit ba kasi pumatol siya sa may asawa na? At kay Adrian pa talaga. She made a deep breath. “B-Brianna?” Naibalik ng pag tawag na iyon sa pangalan niya mula sa malalim na pagiisip. Napatingin siya sa lalaking hindi niya namalayan na nasa tabi na niya pala. It was Adrian. “Are you okey Brianna?”, anito na may himig ng pag-aalala sa boses nito. “Ahm… I-I’m ok… I’m f-fine…”, aniya. “You look not. Are you not feeling well?” “Ah a-ayos lang talaga ako…”, aniya at tumingin sa ama na kausap ngayon si Nathan pagkatapos ay muling bumaling kay Adrian. “Nagugutom ka ba gusto mong bilhan kita ng pagkain? Wait me-“ “Adrian…”, pigil niya rito ng akmang aalis na ito. “Hmm?” “Ah… Eh… Samahan na kita p-pwede ba?” Nakita niya ang unti unting pagngiti nito sabay abot ng kamay nito sa kanya. “Let’s go… My Brianna…” Nang makarating sila ni Adrian sa malapit na fast food sa ospital ay nagpresinta agad ito na ito lamang ang oorder ng pagkain nila. Kaya’t agad siyang nanakam sa ice cream at French fries. Nung una ay ayaw siya nitong payagan na yun lamang oorderin nya pero sa huli ay wala rin naman itong nagawa at kinuha na lamang ang order niya kaya’t napangiti siya. Panandaliang nawala ang pagkabagabag niya lalo na sa mga nangyayari ngayon sa pamilya nila. Maya maya lamang ay dumating na rin si Adrian bitbit ang order nila. Inabot naman agad nito sa kanya ang order nya kaya’t agad niyang sinunggaban na par bang ngayon lamang siya ulit nakakain nun kahit pa halos araw araw ay yun lamang ang kinakain niya. “Whoa… Take it easy, my Brianna. Baka di ka matunawan nyan.”, paalala nito pero inismiran niya lamang ito at nagpatuloy na sa pagkain ganun din ito. Maya maya’y napansin niyang nakahinto ito sa pagkain at seryosong pinagmamasdan lamang siya kaya’t tinaasan niya ito ng kilay. “What?!” “You’re gaining weight.” “Ano bang sinasabi mo dyan?!” aniya at muling sumubo ng French fries na isinawsaw niya sa ice cream. “Your breasts are becoming big.” Napahinto siya sa pagsubo at naiiritang tumingin dito. Pero hindi niya rin naiwasang pamulahanan dahil sa sinabi nito. “Shut up Adrian! Ang manyak mo talaga, Mahiya ka nga!”, mahinang sabi niya rito dahil napansin niyang naaagaw na nila ang atensyon ng ibang costumer lalo na at napalakas ang una niyang sinabi. Imbis na tumahimik ay kinunutan lamang siya nito ng noo at muling nagsalita. “Tell me Brianna. Are you pregnant?”, anito habang tutok na tutok ang mga mata nito sa kanya. Napatigalgal siya sa sinabi nito at hindi agad nakapagsalita. “I’m repeating it. Are you pregnant? My precious Brianna?” Oh god masyado bang halata na buntis siya? Paano nito nalaman iyon? Should I tell him the truth? Pero natatakot siya sa magiging reaksyon nito. “A-Adrian… I-I’m–“, hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng tumunog ang phone niya kaya agad niyang kinuha iyon. She fake a cough. “Ahm… Sasagutin ko lang.”, tumango lamang ito. She look at the caller ID. It was her Dad. Pinindot niya ang answer button at agad na itinapat sa tenga niya ang phone. “Hello Dad? Opo, sige po, pupunta na po kami diyan… Sige po dad… Bye.”, then the call ended. Bumaling siya kay Adrian na nakatingin lamang sa kanya. “She’s awake.”     NANG tumawag kanina ang Dad niya at sinabing gising na ang ate niya ay agad silang bumalik at dumiretso sa room ng ate niya. “Kamusta ka na ate? May masakit pa ba sayo? Anong nararamdaman mo?”, nagaalalang tanong niya rito pero tumawa lamang ng mahina ang ate niya. “Ano ka ba naman Rian? Ayos lang ako, kami ni baby, salamat sa pag aalala.”, nakangiting sabi nito. “Mabuti iyon ate ayos na kayo ng baby mo… Nagalala talaga kami lalo na ng makita namin na dinudugo ka. Sabi ng doktor kaylangan mo lang daw umiwas sa stress at kaylangan mo ng pahinga.” “Hwag kang magalala Rian… Magiingat na ako dahil sa akin nakasalalay ang buhay ng anak ko, mabuti na lang din at nandyan si Nate para alagaan kami.”, tukoy nito kay Nathan na nakaupo sa upuang katabi ng kama ng ate niya. “Dad? Sorry po kasi nagalala pa kayo sa akin…” Lumapit ang Dad niya rito. “Anak, dapat ako ang humingi ng dispensa sayo… Kasi kung hindi ako pumayag sa gusto ni Don Lucio na ikasal kayo ni Adrian kapalit ng tulong na ibinigay niya… Patawad anak ko…ang mahalaga ay ayos na ang lagay niyo ng apo ko.”, niyakap nito ang ate niya na unti-unti ng nag-uunahan ang mga butil ng luha nito sa mga mata. “I love you Dad. “, nakangiting sabi ng ate Ina niya. “Mahal kayo ni Daddy anak, kaya ang kasiyahan niyo ang mahalaga wala na akong pakelam kung bawiin ni Don Lucio ang binigay nyang tulong ang mas mahalaga ay makasama ko kayo…”, niyakap ng Dad niya ang ate niya. “Rian? Come here…”, pagtawag ng ate niya sa kanya. Napangiti na lamang din siya sa ate niya at yumakap sa mga ito. This is the most amazing moment that she ever had. Kahit papaano ay guminhawa na ang pakiramdam niya. Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Her sister keeps on teasing Nathan na ikinatatawa nila dahil hindi na halos maipinta ang mukha nito. Dumagdag pa ang Dad niya na panay ang pag takot dito na kapag pinaiyak nito ang ate Celestina niya ay babarilin ng Dad niya ang lalaki na ikinaputla naman nito. Mas lalo lamang silang natawa. Maya maya ay nagpaalam ang dad nila dahil may aasikasuhin daw ito saglit. Hinalikan muna sila ng ate niya sa noo bago ito nagpaalam at umalis. Tanging si Nathan, ang ate niya at siya lamang ang naiwan sa kwarto, si Adrian kasi ay umalis na kanina pa at may kukunin daw. Kasalukuyan siyang nakaupo sa couch at nagbabasa ng isang magazine na nakita lamang niya sa mesa. Ang ate Ina niya ay pinagpahinga muna ni Nathan para manumbalik agad ang lakas nito pagkatapos ay naramdaman niyang tumabi ito sa kanya. “He loves you.”, anito Naguguluhang bumaling siya rito. “W-What? What do you mean?” “Adrian. Celestina’s husband.” “Pardon?” “Adrian, that man likes you. The way that he looks at you is different.” “No, you got it wrong-“ “I’m not. I’m a man Brianna alam ko ang ganoong klase ng tingin dahil ganun ko tignan ang ate mo nung nagugustuhan ko na siya.”, anito sabay tingin sa ate niya na mahimbing na natutulog. Imposible. Matagal ng panahon ng matapos ang pagiibigan nila ni Adrian kaya Imposibleng mahal pa siya nito. Baka nga galit pa ito sa kanya eh. But she’s still hoping na mahal pa rin siya nito lalo na ngayon at magkakaanak na sila pero hindi pa rin iyon alam ng lalaki. “Sana nga… Sana nga tama ka… “, aniya. Nagpaalam lang saglit ito para kumuha ng maiinom habang nagbabantay sila sa ate Ina niya. Nagpabili na rin siya dito ng paborito niyang ice cream at French fries dahil nakaramdam na naman siya ng gutom saglit pa siyang tinignan nito na para bang may hinahanap. Sinabihan din siya nito na kung magigising ang ate nya ay sabihing umalis lamang ito saglit para bumili. Pagkaalis nito ay kumuha muna siya ng apple at hiniwa ito. She needs to eat some fruits para sa baby niya. Dahil gaya ng ate niya ay kaylangan nyang kumain ng masusustansyang pagkain. Para lumaking maayos at malusog ang anghel sa sinapupunan niya. Hinawakan niya ang impis na tiyan at kinausap ito na para bang naririnig siya ng batang nasa sinapupunan niya. “Anak… Pangako ni mommy sayo na sasabihin na niya ka daddy mo ang totoo para maging maayos na ang lahat. Ayoko namang lumaki ka ng walang ama kaya gagawin ni mommy ang lahat ng paraan para maging maayos na ang lahat ng sa ganun ay mabuo ang pamilya natin. At magiging masaya tayo pangako yan…” aniya habang hinahaplos ang tiyan. Hindi niya namalayan na nakikinig pala si Adrian na masa likod niya. “Brianna? Am I the father…of that child? “,  kunot noong tanong nito sa kanya na ikinagulat niya. Narinig ba nito ang mga sinabi niya? Oh god. “A-Adrian? Ka-Kanina ka pa ba n-nandyan?” kinakabahang tanong niya rito. “I’m asking you. Ako ba ang ama ng bata na nasa sinapupunan mo?” tanong muli nito. “O-Oo… I-Ikaw ang ama ng batang d-dinadala ko…” kasabay noon ay ang pagbagsak ng mga luha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD