Chapter 11

1713 Words
“MABUTI hija at nandito ka na. Kanina ka pa inaantay ng Dad mo. Nandito na ang ate mo Celestina mo at nandito na rin si Adrian.” It was Manang Tess na sumalubong sa kanya pagdating na pagdating niya na halata ang saya habang ibinabalita sa kanya na bumalik na ang ate Ina niya. Pilit siyang nagpakita ng ngiti rito. “I want to see her…” She doesn’t look convincing alam niya yun kaya nakatingin ito maigi sa kanya na para bang binabasa siya. “Wag ka ng ngumiti. Alam kong peke yan hija. Bakit parang masaya na nandito na ang ate mo?” She froze. Masyado bang halata na medyo malungkot siya? Hindi rin kasi nya maiwasang maramdaman iyon at marami rin siyang iniisip pero pilit niyang inayos ang sarili. Makakasama lang sa batang dinadala niya kung magpapatuloy pa ang pagiisip niya ng kung ano ano. “Ah s-sige po Manang punta na po ako dun.”, aniya at dumiretso na kung nasaan ang ama at ate niya pati na rin si Adrian. She saw her ate Celestina crying while her father was hugging her. While Adrian was sitting and looking intently to them. Napansin niya rin ang isang lalaki na nakatayo at seryoso ring nakatingin sa ate at ama niya. He looks so familiar. Napaisip tuloy siya kung saan niya nakita ang lalaki. He’s the guy she saw at her sister’s pi— “R-Rian?” Naputol ang pagiisip niya ng tawagin siya ng ate niya. Her eyes are red and swollen dahil na rin siguro sa pag-iyak nito. Only her sister called her ‘Rian’. Medyo nanggigilid na rin ang luha niya dahil bumalik na ang ate Celestina niya. She wants to hug her and that’s what she did. “A… Ate…s-salamat at bu—bumalik ka na…”, she was sobbing while hugging her sister. “R-Rian… Pa—Patawarin mo si a-ate… I’m r-really really so… sorry…”, paghingi nito ng tawad sa kanya. “Mga anak maupo muna kayo ng makapag usap usap tayo.”, it was her Dad na malambot ang ekspresyon ng mukha. Umupo na sila ng ate niya. Siya ay nasa tabi nito sa mahaba nilang sofa. Lumapit ang lalaking kasama ng ate niya sa larawang nakunan noong panahon na pinaghahanap nila ang ate niya. She doesn’t know him. Pero base sa itsura nito ay mukha naman itong mabait. He’s tall, magandang lalaki din ito, may matangos na ilong at makisig na pangangatawan. Tumabi ito sa ate niya at hinalikan ito sa ulo at niyakap. “Stop crying makakasama yan sa bata.”, anito sa mahinahong boses. Tumango lamang ang ate niya at medyo tumigil na sa pag-iyak pagkatapos ay tumingin na sa kanila. “D-Dad? Rian? A-Adrian? I’m so s-sorry… I-I shouldn’t leave… Dapat sinabi ko na sa inyo ito… I’m so sorry for keeping this f-from you. N-Natakot lang ako…n-na pag nalaman niyo ay m-magalit kayo… Lalo na si Don L-Lucio…” “W-What about my Lolo? B-Bakit magagalit siya?” sabat ni Adrian. Hindi ba nito alam na kaya ipinakasal ang ate niya at ito ay dahil sa negosyo? “Hijo… Sa tingin ko dapat mong malaman na kaya kayo ikinasal ni Celestina dahil… Malapit ng bumagsak ang kompanya namin noon. Humingi ako ng tulong kay Don Lucio kapalit nun ang pagpapakasal nyo ni Celestina…nag-aalinlangan ako kung dapat ba kayong ikasal ng dahil lamang sa negosyo… Humihingi ako ng tawad hijo… “, paliwanag ng kanyang ama. Tumingin ito sa kanyang kapatid. “A-Anak patawarin mo ako… Hindi ko alam na may iba ka palang gusto… Patawad… Kung alam ko lang ay hindi ko na dapat sinang-ayunan ang pagpapakasal nyo ng dahil lamang sa negosyo… Ayokong hindi kayo maging masaya mga anak… Patawad a-anak… Patawad…”, paghingi ng tawad ng kanyang ama sa kanyang ate Ina na kapwa nila ay umiyak na rin. “D-Dad… Pinapatawad k-ko na po k-kayo…mahal na mahal kita dad…”, yumakap na ang ate niya sa Dad nila na gumanti rin ng yakap. “Dad? I-I’m 7 months pregnant and Nathan is the father… Adrian, I’m so sorry if I cheated on you it was just I don’t love you… I’m s-sorry… Patawad Dad…”, anito. “Nathan? Is he Nathan Saavedra? The Ceo of Saavedra Investment Funding Corporation?”, it was her Dad. “Yes Dad…”, her sister answered. Tumingin ang ama niya kay Nathan. “Alagaan mo ang anak ko Saavedra pati na rin ang apo ko.” her father said in a cold baritone voice. “Y-Yes Sir.”, anito. “Call me Tito for now.” “Ahm...Yes T-Tito.” Her father hugs her sister kaya lumapit siya sa mga ito at yumakap din habang patuloy pa rin sa pag bagsak ang kanyang mga luha dahil sa tuwa. She missed this. Hugging her sister and father. Sila na lang ang pamilya nya dahil wala na ang kanyang ina. The warmth of the hug making her happy this is her home, her family. Mawala man ang isa ay babalik at babalik pa din sa piling nila. Bumitaw siya sa mga ito at tumingin kay Adrian bago sa ate at Daddy niya. “Ahm…I have something to tell… I’m pr—” Naputol ang pagsasalita nila ng makarinig sila ng mabibigat na hakbang. It was Don Lucio na halata ang galit sa mukha. “What’s the meaning of this?!”     “WHAT is the meaning of this Daniel?! Buntis ang anak mo at hindi ang apo ko ang ama! Anong kalokohan to, Daniel?!”, galit na sabi ni Don Lucio. Nagulat pa siya sa lakas ng boses nito. Pero nanatili siyang tahimik dahil baka kung ano lamang ang masabi niya na maaaring maging dahilan pa ng malaking gulo. She admitted it, takot siya sa matandang lalaki. He’s one of the most popular business man and rich people in the world. Kayang kaya nitong gawin ang kahit anong gustuhin nito sa isang iglap lang na ikinakatakot niya. “Don Lucio, huminahon po kayo. Mas maganda po kung pag uusapan natin ito ng maayo—” “Huminahon? Daniel ipinakasal ko ang apo ko sa anak mo kapalit ng hiningi mong halaga ng pera na kaylangan ng kompanya mo! Tapos ito ang kapalit?! Buntis ang anak mo ang malala pa hindi si Adrian ang ama!”, galit na galit na wika ni Don Lucio. “D-Don Lucio… Pa—Patawad po…” It was her ate Celestina. Mababakas na maganda nitong mukha na takot din ito sa matandang lalaki. Katabi nito si Nathan na walang emosyon ang mukha. Si Adrian naman ay halatang nagpipigil ng galit sa abuelo dahil nag-iigting ang panga nito at nakakuyom ang kamao. Siya naman ay nanatiling tahimik pa rin dahil ayaw niya munang makigulo pa. “Manahimik ka Celestina! Tawad? Pinaglololoko mo ba ako? Bastardo yang batang nasa sinapupunan mo! How dare you to do this?! You’ll ruin our family’s name!” Hindi na napigilan ng ate Celestina niya ang mapaluha. Binigyan ni Nathan ng panyo ang ate niya at marahas na tumayo. Halatang galit na ito. “Walang kang karapatan para tawaging bastardo ang anak ko! Hindi porket matanda ka ay hindi kita papatulan! If my child will ruin your family’s name…hindi na namin problema yun! Hindi ba’t ikaw ang may gusto nito? Kaya’t wala kang karapatang pagsabihan ng ganyan ang mag-ina ko! Marunong ako rumespeto pero sa mga taong marunong lang din rumespeto.”, anito. “Hmm… Ikaw pala ang ama ng bastardo na iyan Mr. Nathan Saavedra? The Ceo of Saavedra Investment Funding Corporation? Gawain mo ba ang pumatol sa may asawa na? Hindi ka ba nahihiya na madudungisan noon ang pangalan niyo? Talaga bang wala ka ring kahihiyan?! “, ani ni Don Lucio at tumawa ng pagak. Doon na nanggalaiti sa galit si Nathan at sinugod ang matanda at kinuwelyuhan. Halata ang galit na nararamdaman nito. Naalerto silang lahat dahil doon lalo na si Adrian. “Tama na! Lolo please stop this!”, sigaw ni Adrian. “Stop this?! Adrian I’m telling you this. I. Will. Disown. You pag hindi mo to naayos.” Bumaling ito sa ate Celestina niya. “You! Unfaithful wife! Hindi ko matatanggap ang bata na yan! Bastardo!” Lalong napaiyak ang ate Ina niya at sinugod muli ni Nathan si Don Lucio at inundayan ng suntok sa sobrang galit. “Eh gag* ka pala eh! Sinabi ng hindi Bastardo ang anak ko eh!”, galit na galit na sabi nito sa matanda. Inilayo naman ni Adrian ang abuelo mg akmang susuntukin muli ito ni Nathan. “Nathan! Tama na!”, sigaw ng ate Ina niya pero parang wala itong naririnig at talagang susugurin muli ang matanda dahil sa sobrang galit. Pilit na inaawat ito ng kanyang ama habang si Adrian ay nakaalalay kay Don Lucio na dumudugo ang labi. “Nathan!”, aniya. “Please Lolo umuwi muna tayo. Pagusapan na lang natin to pag malamig na ang sitwasyon.”, mahinahong sabi ni Adrian. “No! Ngayon natin to paguusapan! Ayokong masira nito ang pangalan ng pamilya natin. Kung alam ko lamang na mangyayari ito ay sana hindi ko na tinulungan ang kompanya nyo Daniel! Hindi sana mabubuo ang maaaring sumira sa reputasyon natin yang Bastardo na yan! “ Akmang susugod muli si Nathan pero pinigilan na nila ito ng ama. Baka lalo lang lumala ang sitwasyon. Ngunit nakakawala mula sa pagkakahawak nila ito at susuntukin talaga ang abuelo pero pinigilan naman ito ni Adrian. “Nathan, bro, tama na ako na bahala kumausap sa lolo ko.”, anito. Hindi na nito pinansin si Adrian at galit na tumingin sa matanda. “Pagbabayaran mo ito Don Lucio! Tandaan mo yan!” Napatigil lang ang mga ito ng sumigaw ang ate niya. Tumingin silang lahat dito at kitang kita nila ang pulang likido na bumalatay sa hita nito. Dugo. Agad naman dinaluhan ito ni Nathan ng makita nito iyon at binuhat. “Lito! Ihanda mo ang kotse! Bilisan mo!”, sigaw ng kanyang ama sa driver nila. “Opo Sir.”, anito at dali dali ng umalis. “Hijo! Dalhin mo na sa kotse si Celestina at dalhin sa ospital! Bilisan mo! Susunod kami.”, agad naman itong sumunod. Si Adrian naman ay lumabas din at sumakay sa kotse at sumunod sa paalis na kotse lulan ang ate Ina at si Nathan na samut sari ang emosyon. Muling tumingin ang ama niya kay Don Lucio pero sa pagkakataong ito wala ng mababakas na takot sa mukha ng ama niya. “Wag kang mag alala Don Lucio. Ibabalik ko ang lahat ng pera mo at ayoko ng makita ka pa. Sa oras na may mangyaring masama sa anak ko at sa batang dinadala niya… Mananagot ka sakin. Tandaan mo yan! Halika na Brianna sumakay ka na sa kotse!”, anito at agad naman siyang sumunod kahit medyo gulat pa siya sa mga nangyayari. Sumulyap pa siya sa matanda at nagpatuloy na sa pagsunod sa ama. What did just happen? tanong nya sa sarili hanggang sa unti unti ng nag sink in sa utak niya ang mga nangyari. Her sister. Dinugo ito at maaaring nanganganib ang bata sa sinapupunan nito. Habang na sa kotse siya ay patuloy siya sa pgdadasal. Oh god, please save her and her baby…Huwag niyo pong hahayaang may mangyaring masama sa ate ko at sa baby niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD