IT’S been two months. Mula ng may mangyari sa kanila ni Adrian at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ang ate niya. And her dad was in the hospital a month ago.
Inatake kasi ito sa puso ng ipakita nila ang larawan ng ate niya na may kasamang lalaki at larawan din nito na makikitang malaki ang tiyan nito kaya’t agad nilang isinugod ito sa ospital.
Si Adrian ay bumalik na sa bahay nito, pero anito ay patuloy pa rin nitong hahanapin ang pinaroroonan ng ate niya. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng lungkot sinula noon. And she admitted that she missed him.
Nasa isang fastfood siya ngayon at kumakain ng French fries at ice cream. Nang maubos niya iyon ay umorder pa siya. Hindi niya alam kung bakit gustong gusto nya ang mga pagkaing ito pero noon naman ay hindi.
Nang dumating ang inorder niya ay agad niyang nilantakan habang hinihintay ang kaibigan niyang kakakasal palang sa asawa nitong si William Smith na isa sa pinakamayan din na businessmen sa bansa. Her friend is really lucky. Bukod sa mayaman, mabait ay magandang lalaki rin ang napangasawa nito.
Engrande ang naging kasalan ng mga ito na ginanap sa Russia. Sagot din ang ticket papunta at pabalik ng mga taong dadalo sa kasal, pati ang hotel room. White and black ang motif ng kasal. Kaya napakagandang tingnan. Pati ang ginanapan ng reception ay engrande rin. The kind of wedding that every woman fantasized..
Akmang kakagat sya sa fries na hawak ng bigla syang tawagin ng kaibigan na paparating.
“Bri!”
Nginitian niya ito at bumeso rito.
“Hey! Upo ka muna.”, she motioned the seat in front of her.
“So ano na? Kamusta ka na Bri? Sorry ha ngayon lang ako nagkaron ng time. Alam mo naman si Liam masyadong pa-baby gusto lagi akong kasama.”, anito at binuntutan pa ng hagikgik.
Tumawa na lamang siya.
“Naku, ano ka ba ayos lang yun. Namiss lang kita kaya nag-aya ako dito.”
“So what’s the plan? Shopping tayo?”, anito habang nakangiti sa kanya.
“Sige ba.”, aniya.
Dumiretso na sila sa isang boutique at nag hanap ng magagandang damit. Bumili rin sila ng sandals at heels. Pati pabango ay bumili rin sila. Kapwa masaya sila sa ginagawa. They really love shopping since then.
Nang mapagod sila ay nag-aya muna siyang kumain ganun din ito dahil talagang nagutom sila sa pagshoshopping.
Sa isang fast food uli sila. Umorder agad siya ng French fries at ice cream. She really loves eating those. Halos iyon nga lang ang laman ng tiyan niya sa maghapon eh.
Samantalang ang kaibigan niyang si Aloisa ay burger at spaghetti ang inorder na poborito nito.
Nang dumating ang order nila ay nilantakan agad niya ang pagkain niya pero parang nabaligtad ang sikmura niya ng maamoy ang inorder ng kaibigan. Kaya’t agad siyang tumakbo papunta sa restroom. Narinig niya pang tinawag nito ang pangalan niya.
Nang makarating siya sa restroom ay agad siyang nasuka. Halos nasuka na niya ang kinain niya maghapon at latang lata pagkatapos.
“Bri? Ayos ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa ospital? Putlang putla ka na oh!” anito na puno ng pag-aalala.
Pilit siyang ngumiti yung parang sinasabing ‘ayos lang ako’. Nilinis niya muna ang sarili at hinawakan ito sa braso para makakuha ng suporta. Dahil pakiramdam niya ay bibigay ang mga tuhod niya dahil sa nararamdaman.
“G-Gusto ko na u-umuwi…”, aniya.
“Sige halika na, iuuwi na kita para makapagpahinga ka na.”, inalalayan sya nito hanggang makasakay sa kotse nya at ito na mismo ang nagdrive dahil hindi nya kaya.
Inalalayan siyang muli nito pababa sa kotse ng makarating sila sa bahay ng Dad niya kung saan siya nakatira ngayon dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang pakiramdam nya at medyo nahihilo na rin siya. She badly needs to rest.
Agad naman silang sinalubong ni Manang Tess, isa sa mga kasambahay nila.
“Naku hija ano nangyari sayo?”, nag-aalalang sabi nito sa kanya.
Kaibigan na niya ang sumagot.
“Kasi po Manang bigla na lang po sumama yung pakiramdam niya at nasuka pa po. Kaya inuwi ko na po siya para makapagpahinga na. Ayaw naman po kasi niyang dalhin ko siya sa ospital”
“Ah sige hija, ako ng bahala kay Anna. Salamat hija.”, ani ng kasambahay nila.
Tumango na lamang ang kaibigan at hinawakan saglit ang kamay nya bago umalis at tumawag ng taxi.
“Oh sya, dadalin na kita sa kwarto mo ha?” She nodded weakly.
Iniupo siya nito sa kama nya at saglit na umalis para ikuha soya ng maiinom. Maya maya ay bumalik na rin ito.
“Eto hija inumin mo muna.”, anito at inabot ang basong tubig na hawak nito.
“Salamat Manang Tess.”, aniya at uminom.
Napansin noyang mataman iting nakatingin sa kanya kaya hindi niya naiwasang magtanong.
“M-Manang…May p-problema po ba?”
“Hija…buntis ka ba?”
“Po?”
“Tinatanong kita hija kung buntis ka ba? Pansin ko kasing nahihiligan mong kumain ng ice cream at french fries nitong mga nakaraang araw. At madalas ko ring naririnig na nasusuka ka. Hindi kaya’y… buntis ka?”, anito.
Nagulat siya sa sinabi nito. Tama naman ito na nakakahiligan niyang kumain ng ice cream at french fries, at madalas din siyang nasusuka lalo na pag umaga o hindi kaya ay nakakaamoy ng hindi maganda. Naalala niya rin na halos isang buwan na din siyang hindi dinadatnan.
Tumayo siya at tumalikod dito sabay hawak sa impis na tiyan. A-Am I r-really p-pregnant? aniya sa sarili.
KINABUKASAN ay agad siyang kumonsulta sa isang Ob-gyne para malaman kung talagang buntis nga siya. Naupo muna siya sa labas ng clinic habang kumakain ng French fries na inorder niya kanina sa drive thru dahil hinihintay niya na tawagin siya.
Kita naman kasi niya na marami ring mga babae ang naghihintay. Karamihan ay malalaki na ang tiyan ang iba naman ay mukhang ilang buwang buntis pa lang dahil hindi pa halata ang mga baby bump ng mga ito hindi gaya ng iba.
May mga babae rin na kasama ang mga asawa ng mga ito na mukhang magpapacheck up rin. Nagulat siya ng may umupong matandang babae sa upuang bakante sa tabi niya.
“Hija…kamusta ka?”
Kimi siyang ngumiti.
“P-Po? A-Ayos lang po ako—kayo po ba?”
“Ayos lang din naman hija.” huminto saglit ito sa pagsasalita at tumingin sa impis niyang tiyan sabay ngumiti.
“Ilang buwan ka ng buntis hija? Bakit hindi mo kasama ang asawa mo?”
Asawa?
Agad siyang umiling.
“Ah naku po, wala po akong asawa. Dalaga pa po ako at hindi ko pa po sigurado kung buntis nga po ako…”, aniya.
Hinawakan nito ang mga kamay niya kaya napunta doon ang atensyon niya.
“Naku hija, alam ko buntis ka. Mabilis ang pulso mo, kaya sigurado ako.”
Napakagat siya sa kanyang labi at yumuko dahil sa sinabi ng matandang babae.
Buntis ako? Ibig sabihin nagbunga ang gabing may nangyari sa amin ni Adrian? Oh god!
“Hija? Ayos ka lang ba?”, anitio.
“Ah-eh… Opo ayos lang po ako.”, sagot niya.
“Hija nasaan nga pala ang ama ng batang dinadala mo?”
“Ahm… B-Busy po sya eh kaya ako lang po ang pumunta d-dito ngayon…”, she lied.
“Ah ganun ba hija? Ako kasi sinamahan ko lang ang apo ko dito na tatlong buwang buntis para sa check up niya.”
“Nasaan po yung asawa nya?”, tanong nya dito.
“Hija…Wala ring asawa ang aking apo. Nagdadalang tao siya ngunit ayaw niyang ipaalam sa ama ng bata dahil sabi niya ay hindi naman daw ito maniniwala. Nalulungkot nga ako ng labis sa lagay ng aking apo.”, malungkot na sabi nito.
“Pasensya na po at nagtanong pa ako.”, aniya.
“Naku ayos lang yun hija.”
“Ano po palang pangalan ng apo niyo?”
Hindi nito natuloy ang sasabihin ng tawagin na siya ng secretary ng doktor na titingin sa kanya.
“Miss Brianna Chanel Martina?”
She raised her hand.
“I’m here.”
“Pasok na po ako la…”, aniya sa matanda na ngumiti lamang sa kanya.
Kawawa naman ang apo ng matandang kausap nya kanina. Buntis ito at hindi alam ng ama ng bata dahil hindi maniniwala? Ibig sabihin unwanted baby ang ipinagbubuntis nito? I pity her. Kawawa namang talaga ang ina at ang batang dinadala nito.
Sana lang di ganun maging sitwasyon ko, aniya sa sarili.
“Ms. Martina please have a seat.”
A mid-40 lady was seating in her swivel chair. It was Dra. Myca Dela Cruz, an Ob-gyne. She was one of their family friends. Kilala siya nito at ganun din ito.
“Can we start now?”, tanong nito.
“Ahm… Yes, of course.”
“Are you delayed?”
“A-Ah yes… One month delayed.”, aniya.
“Feeling like vomiting every time you smell something or vomiting early in the morning?”
Hindi alam ni Brianna pero talagang kabado sya sa bawat tanong nito. Dahil lahat ng mga sinasabi nito ay nararanasan nya.
“Y-yes.”
“How about craving for something sour or any food?”
Napaisip siya. She was craving of eating french fries and ice cream for the fast few days. Halos iyon nga lang ang laman ng tiyan nya sa araw-araw. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkagutom sa naisip.
“I’m craving of eating French fries and ice cream…A-Am I pre… pregnant, Doc?”, kinakabahang tanong niya.
“I can’t say that for now but I think you are. Take this for us to know if it is positive that you’re pregnant.”, anito at inabot ang dalawang Pregnancy Test sa kanya.
Mabagal na tinungo niya ang restroom. Kinakabahan siya at hindi niya maitatanggi iyon. Bumuntong hininga siya at dali daling pumasok doon. Agad naman siyang kumuha ng urine sample niya at pinatak sa dalawang pregnancy test na hawak.
Tumulo agad ang luha niya ng makita ang mga resulta. Two red lines. It means it’s positive. She’s pregnant.
Napaupo siya sa toilet bowl dahil sa nararamdaman. She’s happy that there was an angel living inside her womb but sad as the same time.
Ano na ang gagawin niya ngayon? Sigurado siyang magagalit ang Dad nya pag nagkataon. She was carrying her brother in law’s child for crying out-loud. That was so wrong kahit pa mahal niya ang ama ng batang nasa sinapupunan niya ay mali pa rin ito. What should I do? aniya sa sarili.
Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip ng biglang tumunog ang phone niyang nasa loob ng pouch niya.
Tinignan niya agad kung sino ang nasa caller ID. It was her dad. Inayos niya ang sarili at agad niyang sinagot ang tawag.
“H-Hello Dad?”
“Anna your sister…”, anito sa kabilang linya.
“W-What about her dad? A-Ano nangyari kay ate?”
“Bumalik na ang ate mo…so come back here immediately.”
With that nabitawan niya ang phone niya na bumagsak sa flooring ng restroom at lumikha ng ingay.
Ate Ina is back?
She should be happy na nakabalik na ang ate niya at hindi na nila kaylangan pang hanapin pa ito. But why on earth that she felt some pain occupied her heart? Oh god.