KANINA pa siya kating kati na tusukin ang mukha ng lalaking kaharap. Kanina pa kasi niya napapansin na pasulyap sulyap ito sa kanya na para bang nang-aasar pa.
Oo inaamin niyang apektado siya sa ginagawa nito. Kasalanan niya rin naman eh. Binigay niya ang sarili niya rito kagabi, hindi na mababago pa iyon. May nangyari man sa kanila hindi rin naman mababago ang katotohanang asawa ito ng ate niya.
They were having their breakfast at ito mismo ang nagpresinta na magluto kahit pa ayaw pumayag ng mga katulong nila dahil isa sa mga trabaho ng mga ito iyon.
Tuwang tuwa siguro ito dahil hindi pa makakauwi ang Dad niya dahil sa napakarami pa nitong inaasikaso. Kabaligtaran ng nararamdaman niya.
Akmang tatayo na sana siya ng hawakan siya nito sa braso upang pigilan.
“Where are you going?”, anito.
Marahas niyang inalis ang pagkakahawak nito sa braso niya. She saw pain in his eyes kaya’t nag-iwas siya ng tingin.
Don’t be affected by that Brianna, aniya sa sarili.
She shouldn’t be affected with that emotion of him. Dahil pagnagkataon ay lalo lang siyang mahuhulog dito na ayaw niyang mangyari dahil baka di na sya makabangon pa.
“I-I will take a s-shower… Dahil may pupuntahan pa ako.”, aniya.
Tumayo ito at lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
“Let’s go.”, anito na pinagtaka niya.
Anong ‘Let’s go.’?
“What?!”
“Sabi ko tara na!”
“S-Saan?”
“Shower.”, anito at ngumiti ng makahulugan sa kanya.
“What the heck, Adrian?!”
Umakto itong parang inosente pero halatang nang-aasar lang.
“What?! I thought you were going to take a shower? Mas maganda diba kung sabay na tayo? Let’s conserve the water, my Brianna…”, anito at kumindat pa sa kanya.
She rolled her eyes on him. Let’s conserve water? The heck?! Hindi yun mangyayari! NEVER!
“Adrian!”
“Hey! I just want us to conserve water… As of naman na hindi ko pa nakita yan—“ he paused then look at her from head to toe.
“…I even touch every inch of you… Even lick and suck your—”
Bago pa man nito matuloy ang sasabihin ay tinakpan na nya ang bibig nito gamit ang kamay niya at pinanlakihan ito ng mata.
How dare him talk to her like that?! Even lick?! Suck?! Arghh! She really wants to kill him right now.
Alam niyang kasalanan niya iyon dahil siya ang unang humalik dito hanggang sa nangyari ang bagay na iyon. Hindi na niya naiwasang pamulahanan.
Hinawakan nito ang kamay nya at dinilaan ang hintuturo nya. It looks like he’s teasing her. Kaya’t itinulak nya ito at tumakbo na papunta sa kwarto nya. She even locked the door.
This is bad. Kung patuloy pa rin ang ganitong klaseng epekto nito sa kanya ay hindi malayong mahulog na talaga siya para rito na labis na kinakatakot niya.
Hindi kasi pwedeng mangyari iyon. May asawa itong tao which is her sister, Celestina.
Oo at marami pang bagay ang kaylangan nilang malaman tungkol sa ate niya. Kung bakit ito umalis at ano ba talaga ang relasyon nito sa lalaking kasama nito sa larawan.
Pero hindi naman porket wala ito ay sasamantalahin na niya ang pagiging magkasama nila ni Adrian. That’s absurd!
She need to clear up her mind. Kaya’t dali dali siyang naligo at saglit na nagbabad sa bath tub. Nagpakawala na lamang siya ng isang buntong hininga.
SHE was with her friend Aloisa right now dala dala niya ang gown nito na siya mismo ang nagdisenyo. Remember the friend na gagawan niya ng gown it was her. Malapit na kasi itong ikasal sa fiance nito.
“Thank you so much Bri! I appreciate this.”, anito na medyo naluluha at yumakap pa sa kanya.
Napangiti siya sa inasal nito. This is the thing that she likes the most to her friend Aloisa. Madali lang itong pasayahin. Even a box of pizza can make her cry because of so much happiness.
“Don’t mention it. We’re friends kaya ayos lang sa akin ang bagay na to… Ang mahalaga ay may isusuot ka na sa kasal mo. Kaya wag ka na umiyak diyan… Bahala ka papangit ka niyan.”, natatawang sabi niya.
Pinunasan na nito ang luha gamit ang tissue na nasa ibabaw ng mesa. Nasa Royalties Restaurant sila ngayon na pagmamay – ari ng magkakapatid na Lu.
The eldest, Veron Lu, na malimit niyang makitang ngumiti simula pa noon. Hindi niya alam kung bakit palagi na lamang itong seryoso kahit sa family pictures ng mga ito ay seryoso talaga ng mukha at wala manlang ngiti.
The second one, Harson Lu, na babaero. Hindii naman sa naninira siya pero totoo naman kasi. Simula pa noon madalas nyang makita itong may kasamang iba’t ibang babae. Minsan na nga itong napabalita na may nabuntis daw ito pero di naman totoo. Hayss…
The youngest, Larson Lu, the most play boy of them all kung babaero ang kuya Harson nito ay mas babaero ito dahil nakita nya itong may kasamang dalawang babae. Pinagsabay ba naman? Nagkita rin sila nito sa isang restaurant sa Italy at nang may makitang babae ay agad na nilapitan at iniwan na siya dahil may may gagawin daw sila ng babae at kung ano man iyon ay wala na siyang pakielam.
Ang magkakapatid na Lu ay pinsan ng kaibigan niyang si Aloisa dahil nanay ng mga ito ang kapatid ng mommy ni Aloisa na nakapangasawa ng isang mayaman na Half- Chinese at Half-Filipino na isa ring businessman.
“Hey Bri?!”
Its cue na nakapagpabalik sa kanya mula sa pag-iisip.
“H-Huh? Come again?”, aniya at nagkamot ng batok.
Tumawa ito.
“I was just asking. Libre ba talaga ito?”
Hindi niya napigilang mapahalakhak at tinikom din ang bibig ng makitang nakatingin sa kanila ang ilang mga customer sa restaurant.
“Aba oo naman! Libre lang yan! Ayaw mo ata eh? Sige akina—”
Akmang kukunin niya ang gown ng ilayo nito iyon sa kanya at pinandilatan siya ng mata.
“Hala sya?! Wala ng bawian to Bri! Binigay mo na eh.”, anito at patuloy pa rin sa pagtawa.
Nagpatuloy sila sa pagkukulitan at pagkukwentuhan. Sinabi niya rin dito ang nangyari sa kanila ni Adrian dahil ayaw niyang mag lihim sa kaibigan.
Isang sigaw ang pinakawalan nito.
“OH MY GOD! BRIANNA!”
Napangiwi siya sa lakas ng boses nito lalo na ng makitang nakatingin muli sa kanila ang ilang mga customer.
“Aloisa! Wag ka ngang sumigaw dyan! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.”, inis na sabi niya.
“Oh sorry Bri, di ko lang napigilan. Ikaw naman kasi eh! Grabe yung revelation mo ha.”, lumapit ito ng kaunti sa kanya at humagikgik.
“Di ka nagbibiro?! Naku ha masamang joke yan Br—”
“Hindi. Ako. Nagbibiro, Aloisa. May nangyari sa amin ni Adrian nung gabi na yun. And I don’t know what to do. Pa—paano na lang pag nalaman to n-ni Dad? Sigurado akong magagalit siya…Si ate… Kasal pa rin sila… Please Aloisa may tiwala ako sayo… So please sa atin lang to ha at wag mong ipaalam sa iba… “, aniya.
Bumuntong hininga ang kaibigan niya.
“Fine… So ano na gagawin mo ngayon?”, anito.
“I-I still don’t know what to do…”
Hinawakan siya nito sa balikat.
“If you need someone to talk… I’m here, ok?”
Ngumiti siya at tumango.
“Ano pinag-uusapan niyo? At ang seryoso niyo dyan.”
They heard a baritone voice. It was Veron with his oh-so-serious face. Kasama nito ang dalawa pang kapatid. Harson and Larson na kapwa may kasamang babae. Ang pagkakaiba nga lang ay dalawa ang babaeng kasama ni Larson. Tsk
“Hey my cousins! “, her friend Aloisa greet them at bumeso sa mga ito siya naman ay nanatiling nakaupo at nakangiti sa mga ito.
“May pinag-uusapan lang kami ni Bri pati na rin yung sa kasal ko. Right Bri?”
“Ah oo, may…pinag-uusapan lang kami.”, aniya.
Lumapit sa kanya si Harson at kinuha ang kamay niya na ikinagulat niya.
“It’s nice to see you again, Anna…”, anito at hinalikan ang kamay niya.
Natawa siya ng binatukan ito ng nakakatandang kapatid.
“Harson! Wag mong ipakita ang pagiging babaero mo dito ha!”
“Kuya naman eh…”, reklamo nito.
Kaya’t natawa muli sila. Samantalang ang kasama nitong babae ay masama ang tingin sa kanya. Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka patay na siya kanina pa.
Sorry girl sayo na si Harson hindi ko siya kukunin sayo wag ka mag-alala, aniya sa isipan niya.
“Naku Kuya Veron parang di ka na nasanay kay Kuya chick boy yan eh.”, It was Larson na tumawa pa.
Binatukan naman ni Harson ang kapatid.
“Ako pa talaga ang chick boy ha?! Eh ikaw nga daladalawa pa ang kasama!”, sikmat nito.
“Com’on, Kuya I’m just being practical. The more the merrier.”, sagot nito sa kapatid.
Napailing na lang si Veron sa mga kapatid ganun din sila ni Aloisa. Umupo ang mga ito sa table nila at tumawag ng staff para magdala ng pagkain sa kanila. Sagot naman daw ng mga ito kaya ayos lang.
Magana silang kumakain ng may bigla na lang humila kay Harson patayo at bigla itong sinampal sa kanang pisngi sila man ay nagulat din.
“Eu—Eumira? What? What are you doing h-here?”, gulat na tanong ni Harson sa babae.
Maganda ang babae. Maputi ito at kulay itim na may kulay pula sa ilalim ang buhok ng babae. Matangkad din ito.
Halata ang galit sa mukha ng babaeng tinawag nitong Eumira lalo na ng tumingin ito sa babaeng kasama ni Harson na nakataas ang kaliwang kilay.
“How dare you to slap my BABES face, b***h?”, mataray na tanong ng babaeng kasama ni Harson.
Hindi ito pinansin ng babaeng sumampal kay Harson at muling sinampal si Harson. Sa pagkakataon na to, ay sa kaliwang pisngi naman ito sinampal.
Ouch, aniya sa sarili.
“I.HATE.YOU.” anito at tuluyan ng umalis.
Sinundan ito ni Harson kasama ang babaeng kasama nito.
LQ, eh? Love is really complicated, ika nga. Parang ang nangyayari ngayon sa kanya. She loves Adrian pero masyado pang komplikado. Loving a man who was already married isn’t right. Hindi lamang sa mga mata ng Diyos pati na rin sa mga taong nasa paligid nila. Magmumukha lang syang homerecker pag nagkataon. Hayss…