Chapter 34 Danica Murillo Nanginginig ang mga kamay ko nang marinig ko ang boses ni Dad sa kabilang linya. Nangangatal ito at tila parang hirap na hirap pa na mag-salita. “Your m-mom…” Nagsimulang kumabog nang malakas ang dibdib ko nang marinig ko ang mga unang salita na sinambit niya. “M-Mom? What happened to her? Is she okay?” nag-aalala na tanong ko. “D-Danica… I’m s-sorry,” he said at patuloy sa pag-iyak. Biglang bumigat ang dibdib ko at tila nabalutan ito nang kaba. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyari sa kanila. Parang hindi ko kaya na marinig ang mga susunod na sasabihin ni Dad. Natatakot ako… Natatakot ako na baka tama ang iniisip ko. “Dad! Please tell me! What happened to her?” Medyo tumaas ang boses ko dahil na rin sa labis na pag-aalala.Ilang segundo ang lumipas

