Chapter 33 Danica Murillo Narito kami ngayon sa bahay nang magulang ni Luke at ni Ate Abby. Kasalukuyan kaming nasa garden kasama si Tita Pau, Tito Liam, Tito Marcus, Ate Abby at ni Luke. Dito kasi namin inihanda ang sorpresa namin para sa kanila. Dito na rin kami nag dinner. Matatawag nga itong, apology surprise dahil na rin sa banner na ginawa ni Luke na may nakalagay na “Sorry, Mom, Dad. I love you.” Pinaayos niya rin ang buong garden at pinalagyan nang maraming ilaw at balloons sa paligid. Sobrang sweet nang ginawa niya at natutuwa ako dahil hindi ko akalain na ganito siya ka-effort para sa magulang niya. He really loves them. Ang ganda nang pagpapalaki sa kanila, to think they are adult pero hindi pa rin nawala ‘yung pagka-clingy nila sa parents nila. Masaya akong nakatingin sa k

