Chapter 32 Luke Torres Kumalas sa pagkakayakap ko si Ate Abby at nakita ko si Danica sa likod niya. Hinawakan niya ang braso nito para damayan. Nagkatinginan kaming dalawa at tila sinasabi nang mga mata niya na magkaroon muna kami ng oras ni Ate para sa isa’t-isa. Matapos ‘yon ay iniwan niya kami at lumabas nang restaurant. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Hindi ko alam bakit narito si ate at umiiyak sa harap ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na may matindi siyang problema kahit ‘di niya pa sinasabi ito. Bago ko siya kausapin may isang waitress ang lumapit kay ate at sinabing ready na ang reservation niyang VIP table sa resto kung saan malayo ito sa ibang mga tao. Sumunod ako at nang makarating kami ay tahimik kaming umupo sa kanya-kanya naming upuan. Hindi n

