Danica Murillo
(After 5 years)
“Let’s give a round of applause to our newest HR manager, Danica Murillo.”
Narinig ko ang masigabong palakpakan ng mga katrabaho ko matapos masayang ianunsyo ng boss namin ang panibago kong posisyon sa kumpanya. Pinasalamatan ko silang lahat. Matapos iyon ay ipinakita sa akin ng boss ko ang panibago kong opisina. Ang tagal kong pinangarap at pinagtrabahuhan na makuha ang posisyong ito at ngayon, nakamit ko na rin ang pinapangarap ko. Maliit na bagay siguro para sa iba, pero para sa akin, malaking achievement na ito at malaking tulong na rin para maibalik ko ang lahat ng sinakripisyo sa akin ng pamilya ko simula nang mabuhay ako sa mundong ito. .
“Congratulations, Danica,” nakangiting bati ng boss ko.
“Salamat po, Sir David. Kung hindi dahil sa inyo ni Ma’am Lorraine, hindi ko makukuha achievement na ‘to.”
“No. It’s not because of us, it’s because of your hard work. For all these years you have worked for our company, you really did a great job and me and my wife believe that you really deserve this position. From HR officer to HR Manager, you deserve it.”
“Thank you, Sir.” I smiled.
“Enjoy your first day being an HR Manager, Danica.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay iniwan na niya ako sa bago kong opisina.
Nang makalabas na si Sir ay agad akong pumunta sa office table ko. Lumawak ang ngiti ko nang maupo ako sa isang mukhang mamahalin at comfortable office chair kaharap ang isang office table na gawa sa salamin. Parang dati lang nasa simpleng office desk lang ako nakaupo kasama ng mga katrabaho ko, pero ngayon may sarili na akong opisina. Bongga!
Hinablot ko ang desk name plate na nasa table at binasa ko ito.
“Danica Murillo, Human Resource Manager.”
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Niyakap ko ang plate. Isinandal ko ang sarili ko sa upuan. Sa sobrang saya ay tinakpan ko ang bibig ko at sumigaw ng sobrang hina dahil sa tuwa.
“Ahh!”
May kasama pang kampay ng mga paa ‘yun. Para akong bata dahil sa ginagawa kong katangahan pero wala akong pake. Masaya ako sa bago kong posisyon.
Kasalukuyan kong inaayos ang office table ko nang pumasok ang dalawa kong katrabaho sa opisina ko. Si Janine at si Nicole, sila ang pinakamalapit kong kaibigan dito sa trabaho. Mga baliw at maiingay kong kaibigan.
“Good Afternoon, Ma’am Danica Murillo. P’wede ba kaming pumasok sa opisina mo?” tanong ni Janine habang nakangisi ng nakakaloko.
Sinamaan ko sila ng tingin at nginitian.
“Ma’am? Pinagsasabi mo r’yan! Pumasok kayo rito mga gaga!” Matapos kong sabihin ‘yon ay nagsigawan sila at nagsitakbuhan palapit sa kinauupuan ko.
“OMG! Girl! HR Manager kana! Ahh! I’m so happy for you!” sigaw ni Nicole.
“Huwag mo kaming kakalimutan ha. Tapos ‘wag mo rin kaming papahirapan sa trabaho ah. Wah! Masaya rin ako para sa’yo! Deserve na deserve mo ‘to, Girl! Kabog ng office mo ha. May sariling aircon at may sariling office table pa. Boss na boss na ang datingan mo!” matinis na tonong sabi ni Janine.
“Tutal magkakaibigan naman tayo, p’wede bang dito na lang din kami mag opisina?”
“Oo nga! Baka naman!” sapaw pa ni Janine. Nakita kong lumapit si Nicole do’n sa aircon at kinaway-kaway ang kamay niya do’n.
“Kung pwede lang eh, why not?” I laughed.
“Lakas ng aircon mo girl ha. Sa office namin, tipid na tipid. Akala mo ikalulugi ng kumpanya kung lalakasan ang aircon!” biro niya sabay tawa.
Napailing na lang ako at natawa na lang din sa sinabi niya.
“Mga baliw talaga kayo! Anyway, salamat sa inyo! Kung hindi rin naman dahil sa inyo ay hindi ko makukuha ang posisyon na ‘to. You help me to have a healthy work environment.”
“Aww. Ang drama mo, Danica! It’s sounds plastic huh? Char! Dahil d’yan, kailangan mong sumama sa amin mamaya. Celebrate natin ‘yang promotion mo!” ani Nicole.
Tututol na sana ako nang panlakihan ako ng mata ni Janine. Hindi naman kasi ako pala-party na babae katulad ng mga kaibigan kong ‘to na laging laman ng iba’t-ibang bar pagkatapos ng trabaho.
“Oh! Walang tatanggi! Ngayon lang ‘to! Jusko, Danica. Ilang taon na tayong magkatrabaho pero never ka sumama sa amin magliwaliw sa labas! Sis! Ano na ah? Magpakasaya ka naman kahit minsan. Hindi ka ba naboboring puro work na lang inaatupag mo?”
“Alam niyo naman kung ano ang rason kung bakit nilulunod ko ang sarili ko sa trabaho. Kayo talaga! At saka, you both know, hindi ako umiinom,” tugon ko.
“Sis! Remind ko lang, ha? 26 yrs old ka na girl! Uso tumikim ng alak! Hindi mo naman ikakamatay ‘yon. Basta ako ang bahala sa inyo mamaya! Okay? Libre ko!” sabi ni Nicole.
“Pero…”
“Oh ‘wag kana tumaggi, Danica. Sasabunutan kita!” pagpupumilit ni Janine.
“Hay nako, Danica. P’wede ka namang magliwaliw at lumandi kaysa naman hintayin mo pa ‘yang bumalik ang first love mo. Five years na ang nakalipas, Girl! Baka gusto mong buksan ang puso mo para sa iba? Move on! Hindi ka na babalikan no’n! At saka ‘di ba may nagpapansin sa’yo sa sales department. Ano bang pangalan no’n? Kiel? Gwapo niya ha, in fairness! Bakit hindi mo subukan ulit mag entertain ng ibang boys? Baka malay mo isa pala sa kanila ang para sa’yo.”
Natahimik ako sa sinabi ni Nicole. Tama siya. Limang taon ko nang hinihintay na bumalik si Gio sa buhay ko, pero wala… Wala ng Gio ang nagpakita sa harap ko simula nung araw na hiniwalayan niya ako. Wala na rin akong balita sa kanya. Mukhang itinuloy na talaga niya ang pangarap ng magulang niya na magpari siya at pagsilbihan ang diyos.
Even now, I still think of him. Waiting for him to come back pero tama ba ‘tong ginagawa ko? Kasi sa tingin ko, sa tagal na panahon nang nawala siya, impossible ng babalik pa siya sa buhay ko pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Umaasa na balang araw baka pwede pa… Baka pwede pa kami na lang ulit.
Dahil din sa nangyari sa aming dalawa ay isinarado ko ang puso ko sa iba. Never ako tumanggap o nagpapasok muli ng lalaki sa buhay ko dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka balang araw sasaktan din nila ako. Iiwan din nila ako, katulad ng ginawa sa akin ni Gio. Baka sa susunod na mangyari ulit sa akin ‘yon, baka hindi ko kayanin ‘yung sakit. Baka mas lalong akong mawala sa sarili ko kaya simula nang naghiwalay kami, nilugmok ko ang sarili ko sa trabaho para lang makalimutan siya. Ang hirap pala mag move on, noh? Sobra hirap… Lalo na pag minahal mo talaga ng totoo ‘yung taong ‘yon.
Tinignan ko muli sila Janine. Nakita kong siniko niya si Nicole nang mapansin niyang natahimik ako.
“I’m sorry, Danica. Hindi ko gustong ma-offend ka. Ang gusto ko lang naman sabihin is, you deserve to be happy and as your friend, syempre gusto naming maging masaya ka. Alam ko namang mahirap kalimutan ang tunay na pag-ibig but Danica, I think it’s time for you to let him go kasi hinding-hindi ka magiging masaya kung hindi ka uusad,” malumanay na paliwanag sa akin ni Nicole.
I act as if I really don’t understand what she was saying.
“Ano bang sinasabi mo r’yan? Napaka-drama ng buhay mo! Akala mo ikaw ‘yung nasaktan. Kaloka ka! Kinakalimutan ko na si Gio, okay? In the process of healing and moving na ‘ko. At saka, kaya lang naman ayaw ko mag entertain ng iba dahil ayoko ng distraction noh. Busy ako magpayaman,” nakangiting sagot ko.
“That’s good, Danica. Buti medyo nalilinawan ka na. So ano mamaya? Let’s get into the party!” ani Nicole habang masayang sumasayaw sa harap ko na parang tanga habang winawagayway pa ang kamay niya. Ewan ko ba sa mga babaeng ‘to. Kay ganda-ganda pero kung kumilos akala mo laging may saltik sa utak. Minsan akala mo sabog at lutang.
“Oo, mamaya sasama ako. Huwag na kayong maku—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla silang sumigaw.
“Yes! Napapayag ka rin! Omg! So, mamaya ha?” ani Janine.
“Oo nga!”
“I’m so excited!” sabi pa ni Nicole.
“But hanggang 12 midnight lang tayo ha? May trabaho pa tayo bukas,” sagot ko.
Tumango sila at sumang ayon. Mga demonyo talaga. Hindi naman talaga kasi ako umiinom pero sige susubukan ko sabayan ang trip nila. Minsan lang naman eh. Wala naman sigurong masama.
“At saka oo nga pala, sa pupuntahan natin mamaya, marami raw gwapong fafa do’n! Handa ka na bang humarot? Kasi ako oo!” malanding sabi ni Nicole sabay tawa.
“Gusto mo bang isumbong kita sa boyfriend mo, ha? Kayong dalawa, may mga jowa kayo ha. Hinay-hinay sa kakaharot baka single na kayo bukas. Wala akong oras makinig sa mga iyak niyo!” sagot ko.
“Grabe ka naman! Opo, madam! Gusto mo ba isama ko pa sa Damon para sure na hindi makakaharot, noh? Oh ano, Janine, isama mo rin jowa mo para sure,” sabi ni Nicole sabay tawa.
“Whatever! Bumalik na nga kayo sa trabaho niyo. Tapos na ang breaktime.”
“Hala! Oo nga! Sige. Mamaya, Danica ah! Walang talkshit! Bye, Girl!”
Matapos nilang magpaalam ay dali-dali silang lumabas ng opisina ko nang pumasok naman si Tania. Ang katrabaho ko na malaki ang galit at inis sa akin. Ewan ko ba sa babaeng ‘to. Lagi na lang niya akong sinusungitan simula nang magtrabaho ako rito. Minsan ginagawan niya pa ako ng mga kwentong hindi naman totoo. Hindi ko na lang siya pinapansin. Napataas ang kilay ko nang dire-diretso siyang pumasok nang wala man lang pagbati.
Hindi ko nagsalita nang titignan niya ako ng masama.
“Are you happy you’re now sitting on that chair, feeling superior and above us?” sarkastiko niyang tanong.
Hindi ako sumagot and I let her speak. Inikot niya ang buong opisina ko at tumingin siya muli sa akin. Tingin na puno ng galit at inggit.
“Do you think magaling ka na dahil nakuha mo na ang posisyong ‘to? Well, you’re not. You’re still the loser Danica that I knew. Ako dapat ang nandyan sa posisyon mo eh dahil mas magaling ako sa’yo! I did everything and my best to have that job pero inagaw mo! Malakas ba ang kapit? Oo nga pala. Kapatid ng tatay mo sa labas ang CEO ng kumpanyang ito. Ano pa nga bang aasahan ko? Sipsip!” inis na inis at walang tigil niyang sabi.
Tama siya. Kapatid ng tatay ko ang CEO ng kumpanyang ito. Step-brother, yes! Pero wala akong special treatment nang pumasok ako rito. Isa lang din akong simpleng empleyado. Nung una walang nakakaalam na kamag-anak ako ni si Sir David. He’s my uncle pero dahil sa chismosang Tania na ‘to at ang kaibigan niyang si Angeline, nalaman ng lahat na pamangkin ako ni Sir at ginawan pa nga nila ako ng kwento na kaya lagi akong magaling sa paningin ni Sir ay dahil pamangkin niya ako. Hindi ko alam kung saan nakakakuha ng kapal ng mukha at lakas ng loob ‘tong si Tania para ipagkalat iyon.
“Tania, kung pumunta ka lang dito para awayin ako, sinasabi ko sa’yo wala akong oras para makipagtalo. Pwede ka ng umalis,” sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
“Wow. So malakas na ang loob mo ngayon dahil mas mataas na ang posisyon mo at hawak mo na ang buong HR department? Kung sa tingin mo mapapasunod mo ‘ko. No! Never!” pagmamaktol niya.
Ikinuyom ko ang mga kamay ko at pinigilang hindi magalit. I looked at her and smiled.
“Fine. If you do not follow all the rules and regulations or work I ask the HR Department to do, you are free to leave the job. I can process your termination today if I want. Hindi ba sabi mo malakas ako kay Sir David? Well, gamitin ko kaya ang pagiging sipsip ko para mapaalis ka sa trabaho mo. Gusto mo ba ‘yun?” taas noo kong sabi na may tonong pagbabanta pero hindi ko naman kayang gawin ‘yun. Sinabi ko lang ‘yun dahil hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Inis na inis na ako sa kanya. Sumosobra na siya.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Nakita kong mas nagsiklab ang inis at galit sa mga mata niya. Nanatili akong nakangiti habang tinititigan siya. Sinenyasan ko siyang lumabas ng opisina ko dahil baka hindi ako makapagtimpi at sa unang araw ng trabaho ko ay process of termination talaga ang asikasuhin ko.
“Err! I hate you, Danica! I really hate you!” sigaw niya sa harap ko sabay martsa palabas ng opisina ko.
Napansin kong nakasilip si Nicole at Janine mula sa labas at binigyan nila ako ng isang malaking thumbs up habang nakangiti. Ilang segundo ang nakalipas ay pumalakpak pa sila dahil sa ginawa ko. Hindi naman sila proud na proud noh? Alam kasi nila kung gaano ka-rude sa akin si Tania at ngayong HR Manager na ako, siguro naman mababawasan na ang pagkamasungit niya sa akin. Tinignan ko muli sila at sumenyas na bumalik na sa trabaho. Agad naman silang kumaway para magpaalam. Umiling at natawa na lang ako at nagsimula na ring magtrabaho.