Chapter 2

1571 Words
Danica Murillo  Malakas na tugtugan, sumasayaw na mga ilaw at nagkukumpulang mga tao ang sumalubong sa amin nang makapasok kami sa bar na sinasabi ni Nicole at ni Janine. Unang beses ko pa lang makapasok sa ganitong lugar at hindi ako sanay sa mga nakikita ko. Nagkalat  sa hangin ang usok ng mga sigarilyo at amoy ng mga alak. Halos lahat din ng madaanan namin ay may mga babae at lalaking naghahalikan na kulang na lang ay maghubad sila sa harap namin at gawing motel ang bar. Everyone is enjoying themselves dancing at the dance floor. Ang iba ay wala na sa sarili dahil sa kalasingan.  “Ganito ba talaga kagulo rito?” tanong ko sa kanila habang patuloy kong inlalakbay ang mata ko sa paligid. Kasalukuyan silang nasa harap ko habang hila-hila ni Nicole ang kamay ko.  “Anong sinasabi mo? Hindi kita marinig!” sigaw ni Janine. Dahil sa lakas ng tugtog imposibleng ngang marinig niya ang sinabi ko.  “Ang sabi ko ganito ba talaga kagulo rito?” pag-uulit na sigaw ko.  “Yes! It’s really fun here! Alam kong mag-eenjoy ka rito! Let’s party! Party!”  Nakarating kami sa table namin at napansin kong narito rin ang iba naming katrabaho. Naupo kaming lahat at masayang nagkukwentuhan. Tahimik lang ako habang nakikitawa sa kanila. Hanggang sa mapunta sa akin ang mata nilang lahat.  “Cheers to the new HR Manager!” sigaw ni Nicole. Hinablot niya ang kamay ko at pinatayo ako sa kinauupuan ko.   “Cheers!”  “Bessy namin ‘yan! Woah!” ani Janine.  “Hoy, Janine! Ano ka ba nakakahiya! Pero salamat! Thank you for celebrating with me,” sambit ko. Nginitian ko sila at nakisali sa kasiyahan. Binigyan ako ni Nicole ng isang baso ng vodka. Dahil hindi ako pamilyar sa inumin na ay inamoy ko ito. Amoy strawberry na matapang. Hindi ko alam kung kaya ko bang inumin ito.  “Drink it, Danica! Go! Bawal kj!”  kantyaw ni Nicole sa akin at sinapawan naman ito ng iba.  “Iinom na ‘yan! Iinom na ‘yan!”  Huminga ako ng malalim. Wala na akong nagawa at tinungga ko ang bote ng alak na ibinigay sa akin ni Nicole. Kumunot ang mukha ko dahil sa sobrang pangit ng lasa. Medyo uminit rin ang lalamunan ko nang malunok ko ito. Gusto ko itong suka! Bakit ba sila nasasarapan sa alak, ha? Eh lasang kalawang naman ito sa sobrang tapang.   Agad kong ibinaba ang baso at nag palakpakan pa sila matapos kong mainom ‘yun. Sa totoo niyan, ito talaga ang unang beses na uminom ako kaya tuwang-tuwa ‘tong dalawang gaga kong kaibigan. Ilang baso rin ang ipinainom sa akin ni Nicole pero ilang minuto ang nakalipas ay nakaramdam na ako ng hilo. Parang umiikot ang paningin ko kaya hindi ko na tinanggap pa ang sumunod na basong ibinigay sa akin ni Nicole. Hindi ko na kaya baka hindi kami makauwi dahil sa kalasingan.   Lumapit sa akin si Janine at tumabi sa akin. Inakbayan niya ako at bumulong sa tainga ko.  “Girl, may napapansin ka ba?” nakangisi niyang tanong. Medyo dizzy na rin siya dahil namumungay na ang mga mata niya at para na siyang bulate na sobrang likot dahil sa kalasingan.  “Ano’ng napapansin?” nakakunot noo na tanong ko.  “You see the hot guy on the counter? The guy wearing a white polo and a coat hanging in his shoulder?” Tinuro niya ang direksyon kung nasaan ang lalaking sinasabi niya. Sinundan ko ang daliri niya at oo nga, may isang nakaupong lalaki do’n na mag-isang umiinom ng alak.  “Oh, anong mayroon sa lalaking ‘yon?”  “Kanina pa siya tingin ng tingin sa’yo. Hindi mo ba napapansin? Tignan mo! Tingnan mo! Lilingon ‘yan dito.” Hinintay namin ni Janine na lumingon ang lalaking ‘yon sa direksyon namin at hindi nga siya nagkakamali. Tumingin siya sa direksyon namin at nginitian kami. Hindi lang ‘yon, kumaway pa siya sa amin. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil nanlalabo na ang paningin ko pero malinaw pa rin sa akin ang pigura at kinikilos ng lalaki. Medyo malapit lang kasi ang counter sa table namin.  “See? Yie, Danica! Mukhang bet ka niya! Gora na! Puntahan mo na! Mukhang mayaman, professional at maraming pera. Mabubuhay ka r’yan! Harutin mo na!” Tinulak niya ako paalis sa upuan.  “Ano ba, Janine! Baliw ka talaga. Ano akala mo sa akin? Gold digger? Loka ka! Huwag ka nga makulit! Dito lang ako!” pagrereklamo ko.  “Ang hina mo naman! Halika nga! Kung ayaw mo eh ‘di kakaldkarin na lang kita papunta sa kanya.” Ngumiti siya ng nakakaloko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang tumayo. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at kinaladkad niya nga ako sa direksyon nung lalaking tingin ng tingin daw sa akin.  “Janine! Ano ba! Ibalik mo ‘ko ro’n! Gaga ka talaga! Nakakahiya! Hoy! Janine!” Pagpupumiglas ko. Pero bwisit, hindi ko akalain na mas malakas pa siya sa akin dahil nahila niya ako ng walang kahirap-hirap.  “Hiya? Walang hiya-hiya rito, Danica. Grab the opportunity! Fafa na nga humaharot sa’yo oh! Ayaw mo pa! Just tonight, okay? Tapos bukas magpaka virgin at single ka na ulit!” nang-aasar niya pang sabi. Akala niya ba natutuwa ako sa biro niya. Ugh! Humanda sa akin ‘to bukas. Sasabunutan ko talaga ‘to nang bongga!  “Janine!” tawag ko pero hindi niya ako pinansin.  Hindi na ako nakapagsalita pa nang makarating kami sa harap mismo ng lalaking tinuturo ni Janine kanina. I stared at him at hindi nga siya nagkakamali. Gwapo ang lalaking ‘to, may mapupungay na mata, matangos ang ilong, makapal na kilay, maganda ang ngiti, maamo ang mukha, matipuno, mukha ring mayaman dahil sa mga suot niyang alahas at mamahaling relo.  Mukha rin siyang professional businessman dahil na rin sa itsura at pananamit niya at higit sa lahat, mukhang hindi nalalayo ang edad niya sa amin ni Janine. Kadalasan sa mga businessman, ‘di ba matatanda? Siya, hindi.  “Hi! May kasama ka?” walang hiyang tanong ni Janine dito sa lalaking kaharap namin. Kahit kailan talaga pahamak ‘tong mga kaibigan ko. Hays! Ewan ko ba bakit ko naging kaibigan ang mga ‘to. Ang lalakas ng saltik at nasobrahan sa kawalanghiyaan.  “Hi, Ladies. I have no one with me. You can join me if you want.. I’ll treat both of you a drinks,”  nakangiti na sagot nito habang nakatingin sa akin. Nakita kong ngumisi sa akin si Janine. Ugh! Bakit parang ayoko ng mga ngisi niyang ‘yon.  “This is my friend, Danica, and I think she can accompany you, if it’s okay with you?” Medyo lumapit siya sa tainga ng lalaki. “She doesn’t want to dance with us and to drink with us. Ayoko namang ma-out of place ang kaibigan ko. First time niya kasi rito. Balak din kasi naming rakrakan ang dance floor, eh kaso kj ‘tong si Danica. Ang corny kasi wala siyang kasama sa table namin. So, dito muna siya sa’yo! Take care with my bestie, okay? Single ‘yan!”  dagdag niya pa sabay kindat.  “Janine!” inis na inis bulong ko. Hinila ko siya at kinukurot ang tagiliran niya. Gaga talaga! Ano siya mamasang? Parang binubugaw na niya ako sa lalaking ‘to eh. Siraulo talaga!  “What? Kakaibiganin mo lang naman eh! Sige na, Danica. Enjoy the night! Wala namang masama if makikipagkaibigan ka with this hot, papable and handsome guy! Hindi kana lugi noh? Mukhang mabait naman at saka mas gwapo siya kesa do’n sa ex mo. Push mo na! At saka malay mo, siya na pala si the one! Yieee!” birong sambit niya pa sakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil alam kong naririnig ng lalaking ‘to ang pinagsasabi niya. Ganito ba talaga ‘to pag nalalasing? Nagiging walang hiya.  “Sure. I’m glad to be with her,” walang pagaalinlangang sagot ng lalaking kaharap namin.  Shemay! Ano ba ‘tong pinasok ko. Mali siguro talaga na sumama ako rito.  “Great! Maiiwan ko na kayo! Enjoy!” Mabilis binitawan ni Janine ang kamay ko at kumaripas ng takbo papalayo sa kinaroonan namin. Sinubukan ko siyang tawagin para sabihing ‘wag akong iwan pero hindi na niya ako pinansin. Hanggang sa nawala na lang siya sa paningin ko. Arg! Kainis! Dahil sa kaba at hiya ay agad kong hinablot ang isang baso ng inumin sa counter at nilagok ito ng tuloy-tuloy. Hindi naman masama ang lasa nito. Para itong pinaghalong yakult at grapefruit. Hindi ko rin maintindihan dahil parang matapang ang lasa niya.  Nakita kong nanlaki ang mata ng lalaking kaharap ko habang nakatingin sa akin. “Hi,” bati niya sa ‘kin. Nang lingunin ko siya ay tila parang umikot ang buong paligid ko. “Hindi ko akalain na malakas ka pa lang uminom,” sabi niya pa.  “Uminom?” Naningkit ang mata ko. “Teka, ano ba ‘tong ininom ko?” tanong ko sa bartender.  “It’s a yougurt soju cocktail, Ma’am,” sagot niya.   “Ahh! Kaya pala medyo nahihilo ako. Alak pala ‘to? Pero bakit ang sarap?”  Narinig kong natawa ang lalaking nasa harap ko. “Bakit ka natatawa?” tanong ko.  Hinarap ko siya at natulala ako nang direkta siyang tumingin sa mga mata ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD