Chapter 8

2019 Words
Chapter 8 Danica Murillo “Pasok ka. Pasensya ka na sa condo ko. Hindi pa talaga ako naglilinis. Medyo makalat,” sabi ko sabay hablot ng mga bagay na nakakalat sa sofa.  “Okay lang. Your condo looks amazing,” nakangiting sagot niya sabay inikot niya ang paningin niya sa buong condo ko. Ibinaba niya rin si Rafah at tumakbo ito papunta sa living room at umakyat sa sofa.  “Rafah! Come here! Huwag ka muna r’yan! Your feet are dirty.” Agad naman niya itong sinundan.  “Aww! Aww!” Napansin kong ayaw magpakuha ni Rafah sa sofa at gusto lamang maupo roon.  “Hayaan mo na siya, Luke. Baka napagod si Rafah sa haba ng nilakad natin kanina. Maupo ka muna r’yan. Magpahinga muna kayong dalawa at kukuha lang ako ng maiinom mo.”  “Salamat, Danica.”  Dagli akong pumunta sa kusina at kumuha ng juice. Bibitbitin ko na sana ang baso nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko agad ito at sinagot.  “Danica! Hello?”  “Nicole? Oh? Napatawag ka?”  “Are you free tonight? Pupunta sana kami ni Janine d’yan ngayong gabi. Let’s watch some movies. May bagong series ngayon sa netflix! Ang tagal na rin natin ‘di nag mo-movie together. D’yan na rin kami mag-overnight para sabay-sabay na tayong pumasok bukas. Ano? G ka?”  Ano’ng nakain nito at nag-aya siya ngayon ng overnight? Ngayon pa na nandito si Luke sa condo ko? Sinabi ko pa naman sa lalaking ‘to na pagluluto ko siya ng dinner at dito kami kakain. Nakakahiya kung sasabihin ko sa kanya ngayon na next time na lang eh nandito na siya? Ngayon ko rin sana balak sabihin sa kanya ang pabor ko tungkol sa nangyari nung nakaraan sa bar.  “Pass muna ako tonight, Nicole. Wala ako sa condo ko. Nandito ako ngayon sa bahay ng pinsan ko. Birthday niya kasi. Baka mamayang madaling araw pa ang uwi ko. Pasensya na next time na lang. Sige na! Ba-bye!” palusot ko. Hindi ko na inantay ang susunod niyang sasabihin at binaba ko agad ang tawag sabay patay ng cellphone ko.   Hindi p’wede malaman ng dalawang ‘to na nandito si Luke at baka mamaya ma-isue na naman nila ako. Alam din nila na never ako nagpapasok ng lalaki sa condo ko kaya magugulat ‘yun pag nadatnan nila na kaming dalawa lang ang narito.  Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko at inimbitahan ko si Luke rito. Siguro dahil naawa ako sa mga kinuwento niya sa akin kanina at gusto ko mapagaan man lang ang loob niya. Welcome dinner na rin kasi kakalipat lang niya sa bago niyang condo. Wala naman akong dapat ikabahala,  ‘di ba? Pakiramdam ko wala namang mangyayari na masama sa akin pag siya ang kasama ko. Wala rin sa itsura niya ang saktan o pagsamantalahan ako. May kapatid din siya na babae at alam ko mataas ang respeto niya.  Inilapag ko ang juice sa harap niya at agad naman niya itong kinuha.  “Thank you for the drink,” sambit niya. Iinumin na sana niya ito pero bigla siyang natigil. Inamoy-amoy niya ang juice at tumingin ng may halong pag-aalinlangan sa akin. “Sure ka ba na walang lason ‘to? ‘O pampatulog? Baka mamaya may gawin kang kakaiba sa akin d’yan matapos ko inumin ‘to ah?” pabiro niyang tanong sa akin habang nakangisi. Ang lakas niya talaga mang-asar.  “Ano’ng akala mo sa akin? Kriminal? Rapist? Siguraduhin mo munang masarap ka bago ka mag yabang d’yan! D’yan ka na nga. Magluluto pa ako.”   Tumawa siya.  “Let me help you,” at ‘yon na nga. Sumunod siya sa kitchen at tinulungan ako magluto.  I’m cooking spicy adobo because it’s my favorite at siya naman ang nagsaing. Sabi ko nga ako na ang gagawa dahil bisita ko siya pero ayaw mag papilit kaya hinayaan ko na lang. Rafah is also with us. She’s sitting at the kitchen counter watching us cooking. ‘Di ko nga alam ano na ang iniisip niya sa amin habang pinagmamasdan niya kami ng amo niya na nagluluto. Hindi rin mapakali ‘tong si Luke. Panay agaw ng gawain sa akin. Siya na nga rin naghihiwa ng sibuyas at bawang kanina eh pati na rin ng baboy na gagamitin ko. Ang tanging ginawa ko na lang ay magluto, literal. Siya na rin ang nag hugas ng mga ginamit ko. Hinayaan ko na lang siya. Ginusto naman niya eh.  “Hmmm… It smells nice. Do you love spicy food? May sili ‘tong adobo mo eh.”  “Yes. Sabi mo okay lang na may sili? Hindi ka ba mahilig sa maanghang?”   “No. No. We're the same. I also love spicy food. Destiny na ba ‘to? Soulmate na ba tayo? Same condo residence? Same favorite food? Parehong hopeless sa pag-ibig. Dami pala nating pagkakatulad no? Hindi na ako magtataka kung bakit ang gaan ng loob ko sa’yo,” dagdag niya pa. Napansin kong parang nailang siya sa akin matapos sabihin ‘yon.     “Hindi naman porket magkapareho tayo sa isang bagay, soulmate na tayo. Malay mo nagkataon lang,” sagot ko.  “Malay mo hindi.” Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Sobrang lapit niya. Naramdaman ko ang paghinga niya sa harap ko, and our eyes met. At tila unti-unti akong tinutunaw ng mga tingin niyang ‘yon. Natuod sa kinatatayuan ko, and every seconds na lumilipas pakiramdam ko, papalapit siya ng papalapit sa mukha ko, kasabay no’n ay ang  pagbilis ng t***k ng puso ko.  Hindi ako makagalaw. Ni hindi ko alam ang gagawin ko. Tila parang tumigil ang mundo at oras sa paligid ko.  Nakita ko ang dahan-dahang pag guhit ng ngiti sa labi niya.  “Did I make your heartbeat fast?” tanong niya sabay patay sa kalan. Natauhan ako at naitulak ko siya papalayo sa akin.  “A-Ano bang sinasabi mo r’yan?” natataranta kong sagot. “L-Luto na pala ‘tong adobo. Tara na kumain na tayo,” dagdag ko at hindi ko na pinansin ang tanong niya. I heard him chuckle. Nilagpasan ko siya at kunwari ay abala kong inilipat ang pagkain sa plato.  “Ang galing mo pala magluto. P’wede ka na mag-asawa,” tumawa siya matapos sabihin ‘yon. Kasalukuyan naman siyang nasa harap ko ngayon habang pinapanood ako sa ginagawa ko.  “Tumigil ka na nga sa pang-aasar mo, Luke. Hindi ka na nakakatuwa.”  Until now, ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko dahil sa mga tingin niya sa akin kanina. Pakiramdam ko, tumatak na sa isip ko ‘yung mga mata niya, ‘yung mga ngiti niya. And yes, he makes my heartbeat fast, at alam kong hindi tama na maramdaman ko ‘yun. He’s my friend, and si Gio, siya lang ang nagpapabilis ng t***k ng puso ko, wala ng iba. Ewan ko ba rito kay Luke. Ang lakas-lakas niya mang-asar! Bakit niya ba ako pinagtitripan? Tss!  “Pinapatawa lang naman kita. ‘Cause you’re really pretty when you smile. No joke!”   “Tse! Nambola ka pa. At saka ano’ng sinasabi mo na asawa? Wala pa sa isip ko ‘yan! Wala nga akong jowa, asawa pa kaya. And I’m living here alone kaya marunong ako magluto. Walang magluluto ng pagkain para sa akin noh,” I replied at iniwasan ko muli ang tingin niya.  “I can cook for you everyday. Masarap din ako magluto. P’wede mo rin ako maging jowa.” He smiled. Hinampas ko siya.  “Aray! Mapanakit ka ha!”  “Tumigil ka nga. Baliw ka talaga! ‘Di ko kailangan ng cook no. ‘Di ko rin kailangan ng jowa.”  “So ekis na agad ako sa’yo? Gano’n?”  “Hoy! Luke Torres. Akala ko ba magkaibigan tayo, at kakakilala ko lang sa’yo nug isang araw, eh bakit ngayon parang crush mo na agad ako?” I crossed my arms at seryoso ko siyang tiningnan. Nagulat siya sa sinabi ko at bigla siyang umiwas ng tingin sa akin. Namumula ba siya?  “H-Hindi ah! Inaasar lang kita noh. Sineseryoso mo naman masyado.”  Tignan mo. Pag siya ang inaasar, hindi rin niya pala kaya. Lakas umiwas. Ni hindi nga makatingin sa mga mata ko. Mga lalaki talaga!  “Hmm… Okay. Sabi mo eh. Tara na sa dining. Kumain na tayo. Nagugutom na ako.” Habang kumakain kami ay naisip kong sabihin na sa kanya ‘yung pabor ko. That I need him to be my witness sa kaso na pinursige ni Uncle David. He really wanted Kiel to pay for what he'd done to me. Para na rin kasi niya akong anak. Ikinuwento ko kay Luke lahat. Ipinaliwang ko ng maayos kung gaano ka-importante sa akin ‘yung statement niya sa nangyari, at nakahinga ako nang maluwag kasi pumayag siya.  “Thank you, Luke. Malaking tulong ‘to sa akin.”  “You’re always welcome. From now on, I’m here when you need me. Hindi naman ako gano’n kahirap hanapin. Magkatabi lang ang condo natin. I’m happy you’re fighting for your rights.”  “Ang totoo n’yan. Ayoko na sana palakihin pa ang gulo na ito, but my Uncle David which is my also my boss insisted to file a case against him. Sumunod na lang din ako.”  “That’s fine. If hindi ka nag file ng case sa gagong lalaking ‘yon, tinatolerate mo lang ang pagka manyak niya. Paano kung gawin niya rin sa ibang babae ang ginawa niya sa’yo? Buti na nga lang nando’n ako at nasapak ko ang pagmumukha niya. Actually, kulang pa ang sapak na ‘yun sa ginawa niya sa’yo.” Napangiti ako matapos niyang banggitin ‘yon. I feel like nagkaroon ako ng home friend o bagong pamilya na kaya akong ipagtanggol sa iba.  “Salamat ha? Na-appreciate ko talaga lahat ng ginawa mo para sa akin.”  “But wait, can I ask?” tanong niya. “Sure. ano ‘yon?”  “Nasaan ang parents mo? Why are you living here alone?” Bigla akong natigil sa tanong niya pero agad ko rin namang sinagot ito.  “Nasa states sila. My mom diagnosed with grade 4 brain tumor, and my dad is trying to take care of mom habang nagpapagaling siya sa states.”  “Oh. I’m sorry to know that, Danica.”  “It’s fine. 2 years na silang nando’n. Do’n pinagamot si mommy kasi magagaling daw ang doctor sa states, but I don’t think so. She’s now in a coma, but we believe that she can survive at magigising din siya one day. Dahil nga sa nangyari, lahat ng businesses namin ay binenta ni dad, at nagsimula rin kami maging gipit financially, that’s why I’m working hard para matulungan sila.”     “She’ll get better. Ipagpapray kita, pati na rin ang mommy mo.I’ll pray for your family.” I smiled. Hindi lang pala soft hearted ‘tong si Luke. He believed in God.   “Thank you, Luke.”  Matapos namin kumain at magkwentuhan ay pumasok muna ako ng cr dahil parang bigla sumama ang tiyan ko. Naparami ata ang kain ko. Sinabihan ko si Luke na mag-intay muna sa living room. Matapos kong mailabas lahat ng sama ng loob ng katawan ko ay agad ko siyang pinuntahan pero nagulat ako sa nadatnan ko.  I saw Nicole and Janine staring mad at me. They are wearing a pair of pajamas, yellow and pink na may spongebob at patrick na print. Nakita ko pa ang hawak ni Nicole na isa pang pair of pajamas na color gray at may print na mukha ni Sandy, and I think that pajama is for me. Nakatayo sila ngayon tabi ni Luke. Actually pinagitnaan nila si Luke habang nakapulupot ang kamay nila sa braso nito. Tumaas ang kilay ko. Mga bruhang galit pero kung makahawak sa braso ni Luke, parang mga linta.  I noticed Luke looking confused about what’s happening. Nakatitig lang siya sa akin at hindi alam ang nangyayari. “Danica? Explain!” sabay na sambit ng dalawa kong kaibigan.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD