Chapter 9 Danica Murillo Nakaupo ako ngayon sa sofa habang pinagitnaan ako nina Janine at Nicole. Hindi nila inalis ang masamang tingin nila sa akin na akala mo eh ang laki ng kasalanang nagawa ko. Bakas sa mga reaksyon nila na hindi sila makapaniwala sa nakita nila. Umuwi na rin si Luke matapos nilang madatnan siya rito. Ang hindi nila alam magkatabi lang talaga ang condo namin. “P’wede ba guys? Tigilan niyo na nga ‘yang tingin niyo sa akin! Kinakabahan ako sa inyo eh! Nandito na lang din kayo, manood na tayo ng movie!” sambit ko. Tatayo na sana ako para buksan ang tv nang bigla nila akong hilain paupo muli sa upuan. “Bakit nandito si Fafa Luke?” seryosong tanong ni Nicole. “Akala ko ba nasa bahay ka ng pinsan mo? Bakit nagsinungaling sa amin?” sabat naman ni Janine. “Ayaw mo na

