Chapter 10 Danica Murillo Nang buksan ko ang pinto ng opisina ko ay halos mapatalon ako dahil sa gulat nang sumulpot sa harap ko si Nicole at Janine. “Tama ba ang narinig ko? Nandito si Luke?” nakangising tanong ni Nicole. “Oo nga. Bakit ka niya hinahanap? Ikaw ha! Mag da-date na naman kayo noh!” sabat naman ni Janine sabay sundot sa tagiliran ko. Ang talas talaga ng pandinig at pakiramdam ng dalawang ‘to. Tsk! “Huwag nga kayong maingay d’yan. Mamaya ma-issue na naman ako. Hindi ko alam kung bakit nandito si Luke, okay. Kaya nga ako bababa para malaman. Bumalik na kayo sa trabaho niyo. Tapos na ang lunch,” sagot ko. “Sungit mo naman. Nagtatanong lang eh. O’ siya kwento mo sa amin mamaya bakit siya nandito ha.” Umiling na lang ako at nilagpasan sila. Mga chismosa talaga. Nang

