Chapter 19 Luke Torres Narito kami ngayon sa lugar kung saan ko dinadala ang sarili ko kapag gusto kong mapag-isa. I decided to bring Danica here because I know she needs to breathe air. Kailangan niya nang payapang lugar para makapag isip-isip. Gusto ko ring makatulong para mapagaan ang loob niya. Gusto kong ibalik lahat ng kabutihang at pakikinig niya sa akin nung ako ang namomroblema. Matapos nang nangyari sa elevator kanina ay ‘di na ako nagdalawang isip pa na ayain siyang pumunta rito para magpahangin. Hindi na siya nagpapigil pa at sumama siya agad sa akin. Tahimik lang kaming bumiyahe. Sinubukan ko siyang kausapin at pasayahin pero sa tingin ko, hindi kaya ng mga biro ko ang bigat na dinadala niya. Huminga ako nang malalim habang tahimik lang akong nakamasid sa mukha niyang mal

