Chapter 18 Luke Torres Kasalukuyan akong nagluluto ngayon ng dinner dahil bumisita ngayon si Ate Abigail sa condo ko. Hindi ko nga inaasahan na dadaan siya rito. And when I asked her why, she said she just wanted to check on me at kumustahin ako. Palagi naman niya itong ginagawa lalo na pag hindi siya masyadong abala sa negosyo at trabaho niya. Matapos kong maluto at mailipat ang pagkain sa plato ay dali-dali ko itong inihanda sa lamesa kung saan nakaupo si Ate. “Ang lawak nang ngiti ng kapatid ko ha? Good mood na good mood. Is that because of Danica again? Okay na ba talaga kayo?” tanong niya sabay ngisi sa akin. I know she’s teasing me right now. “I think so.” I smiled. “Wala namang ibang dahilan para maging masaya ako ngayon, siya lang, and yes, after namin na malaman na she’s n

