Chapter 56.1 Danica Murillo Torres Sinundan ko si Kuya Guard sa lobby para puntahan si Luke at nang makarating kami roon ay nakita ko siyang nakaupo at nakasandal sa isang poste habang sa tabi niya ay may banner na may nakasulat nga na sorry at pangalan ko. Nakapatong ang noo niya sa kanyang tuhod at tila natutulog. Wala rin siyang pakialam sa mga taong nadaan kahit na pagtitinginan na siya. Sa kabilang gilid naman niya ay ang iba pa niyang bitbit na regalo at boquet na bulaklak na siguro para sa akin. Hindi ba’t nag abot na siya kay Nicole kanina? Ano na naman ‘tong palabas niya? “Parang malaki ata ang nagawang kasalanan sa’yo ni Sir, ma’am ha?” ani ni Kuya Guard. Nginitian ko lang siya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpasalamat na lang. “Salamat po.. Ako na po ang bahala sa

