Chapter 56.2 Danica Murillo Torres Napasinghap ako dahil sa mga nangyari. "Okay lang ako. You need to be fine, Danica! Calm down! Chismis lang 'yon at alam mo kung ano ang totoo!" bulong ko sa sarili ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang opisina ko. Hindi talaga maganda ang araw ko ngayon tapos dadagdag pa 'tong mga chismosang 'to sa stress ko. “Bakit ka nakasimangot? Papangit ka niyan.” Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang boses ni Gio. Nakasalubong ko siya sa hallway at huminto siya sa harap ko. Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay. “Okay ka lang ba?” “Mukha ba akong okay?” pilosopong sagot ko. Natawa siya. “Hanggang ngayon ang hilig mo pa ring sumagot ng pabalang. Ikaw talaga!” hahawakan niya sana ang ulo ko pero agad ko itong hinawi. Ano’ng ginagawa niya

