Chapter 37 Luke Torres Masaya at excited kong hinihintay sa condo ko si Danica. It’s currently 6 pm in the evening at ang usapan namin ay 8 pm narito na dapat siya. Pinasundo ko siya ngayon sa driver ko. Hindi ko kasi siya masundo dahil inasikaso ko ang surpresa ko para sa kanya. I prepared a dinner date for her. Inayos ko ang balkonahe nang condo ko. I set up a table for two. I arranged the balcony as if we’re in a fine dining restaurant. Hindi ko rin kinalimutan ang regalo at ang bouquet na rosas na ibibigay ko sa kanya at syempre ang romantic music habang kumakain kaming dalawa. Ako rin ang nagluto nang lahat nang ihahanda ko ngayon. Mga bagong putahe ito na natutunan ko kay Ate Abby. Sana magustuhan niya. Halos tatlong araw din kami laging magka-video call ni ate para lang matutunan

