Chapter 54 Danica Murillo Torres “Ang totoo niyan, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Halo-halo na, Danica. Ultimo sarili ko hindi ko na matanggap. Alam kong nahihirapan ka rin at doble ang sakit na ipinadama ko sa’yo and I’m sorry. I’m really sorry. It’s not my intention to hurt you. Naging makasarili ako at hindi ko sinabi sa’yo ang totoo. I tried to find another way to solve the problem I have but it turns out na mas lumaki pa ito dahil sa katangahan ko.” Natahimik siya saglit at hinintay ko muli ang susunod niyang sasabihin. Huminga siya ng malalim bago muli nagsalita. “Nahihiya ako sa’yo at pakiramdam ko wala akong kwentang asawa simula nang malaman kong wala akong kakayahang bigyan ka nang anak. Yes. You heard it… I’m infertile, Danica, and I’m the reason ku

