Chapter 54.1 Danica Murillo Torres Maaga akong nag-out sa trabaho dahil sa kahihiyan na nangyari sa opisina ko. Halos gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa kaguluhang ginawa ni Luke at ni Gio. Nakakahiya! Dali-dali akong lumabas ng kumpanya habang pilit na tinatakpan ang pagmumukha ko dahil hindi ko kayang humarap sa mga tao lalo na sa mga empleyadong nakasaksi at nakarinig sa kaguluhang ‘yon. I can’t believe what happened. Paano nalaman ni Luke na nandito si Gio at anong pumasok sa isip niya na nanlalaki ako? Ang kapal naman talaga ng mukha niya pagbintangan ako at isumabat sa akin ang bagay na hindi ko naman ginawa. Naiinis ako at nasasaktan ako. He’s not the Luke I knew. Parang ibang Luke ang nasa harap ko. Nagulat na nga lang ako nang bigla na lang siya nanuntok without know

