Chapter 14 [R +18. SPG Content. Read at your own risk] Danica Murillo Nagising ako nang makaramdam ako ng kakaibang init sa katawan. Madilim na ang buong kwarto dahil sa nakapatay na ilaw. Ramdam na ramdam ko pa rin ang antok. Hindi ko nga alam kung gising na ba talaga ako o nananaginip lang. It was dark at wala akong makita, but I felt someone beside me. Nakatapat siya sa akin habang yakap-yakap niya ako. Ramdam ko rin ang init ng palad niya sa baywang ko. Samantalang ang pwesto ko naman ay nakasubsob ang mukha ko sa mala-bato niyang dibdib habang nakayakap din ang kamay ko sa tiyan niya. Wala akong nararamdaman na tela sa aking pisngi kaya sigurado akong wala siyang damit. Tinignan kong maigi ang lalaki na nasa harap ko. Sinubukan kong maaninag ang mukha niya then I found his face.

