Chapter 38 Danica Murillo Nakatulala ako sa kisame habang iniisip ang mga sinabi sa akin ni Tania. Hindi pa rin ako makapaniwala na ‘yon ang rason niya bakit siya nakipaghiwalay kay Luke. Naawa ako sa kanya. Hindi niya dapat naranasan ang mga bagay na ‘yon Ano kayang maging reaksyon niya pag nalaman niya ang totoong dahilan ni Tania? Baka magbago ang isip niya, baka pag nalaman niya talaga ‘yung totoong rason ni Tania, baka magkabalikan sila. Paano na ako? Paano na ‘yung nararamdaman ko para kay Luke pag nangyari ‘yon? Isantabi ko na lang ba? Kanina bago ako pumasok sa condo ko, I really want to knock on his door. Gusto ko makita ang ginagawa nila. Gusto ko marinig ang pinag-uusapan nila pero hindi naman pwede ‘yon ‘di ba? So ito ako. Sobrang nag-ooverthink sa mga nalaman ko. Mas oka

