Napabuntong hininga ako ng malalim ng ilang araw nang hindi nagpapakita sa akin si Carl, Talaga yatang malaki ang tampo sa akin ng lalaki. Pati sa paglabas ko sa hospital ngayon araw, ay si Evelyn, ang nag asikaso sa akin. Hindi man lang ako kinusmusta ng lalaki simula ng biruin ko siya. Baka nakapag isip isip na ang lalaki, na hindi ako impotante sa kanya. Sino nga ba ako para pag aksayahan lamang nya ng kanyang panahon. Ikaw kasi Pamela, Puro kaluhan ang alam mo, Bulong ko. "Ready ka na bang lumabas Ms. Pamela?" tanong sa akin ni Evelyn, wala akong nagawa kundi tumango sa babae. Malungkot ako ng lumabas ako ng hospital. Gusto kung tanongin si Evelyn, Kung nasaan si Carl. Ngunit inabot ako ng hiya na magtanong dito. "HAnggang sa makarating kami ng bahay ng lalaki, Walang Carl,

