"Ano ba ang problema mo! iinum ka rin Ba ? singhal ko sa taong umagaw ng beer ko na hindi ko pa nabubuksan. Kung gusto mo rin uminum kumuha ka dun sa ref. marami dun, saad ko habang inaagaw ko ang beer sa kamay nito. Kilala mo ba ang may ari ng silid na ito huh?! Tanung ko sa taong kausap ko na bigla na lamang pumasok sa aking silid ng wala akong pahintulot at bigla na lamang itong inagaw sa kamay ko ang beer na aking iinumin pa sana. Pilit kong iminumulat ang aking mata para makita ko ang mukha ng taong kausap ko ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil umiikot ang paningin ko. "Honey lasing kana tara na pahinga kana, narinig kong saad ng taong nagsalita. Ayaw ko nga gusto ko pang mag inum, wika ko sa lalaki. Narinig kong bumuntong hininga ang lalaki. na para bang nagpipigil

