JHO. Nandito ako ngayon sa car ni Beatriz, kasama namin si Jia. Ihahatid niya kasi kami sa bus terminal pauwing alitagtag. Hindi niya ako maihahatid sa amin kaya sa terminal na lang kasi may lakad pa siya bukas pero sabi niya pipilitin daw niyang humabol. Pero hinayaan ko na lang, ayoko na mag-expect kasi baka ma-hurt lang ako. Okay lang naman sa akin kung di siya makakasama kasi sa acads naman siya busy. Ang lungkot lang dahil hindi makakasama si Ate Ells. May emergency kasi sa kanila pero at least kasama ko si Jia ngayon. May kasama ko sa fiesta. Nilingon ko si Jia at tulog na tulog ang gaga. May training kasi kami kanina kaya pagod na pagod kami. Swerte ko nga dahil ihahatid pa kami ng girlfriend ko sa terminal. "Love may family outing kami sa Bacolod. Invited ka." Napangiti nam

