JHO. "Masaya na yun si Marci. May bago naman nang hinaharot yun." Sabi ni Ate Ella kasi na-topic namin yung nangyari sa amin ni Marci. Nagsorry ako kay Ate Ella kasi nasaktan ko yung friend niya pero wag ko na raw isipin kasi nga sure siyang makak-move on din si Marci. Ngayon lang kasi namin napag-usapan 'to. Ngayon na lang kami ulit nagbonding tatlo eh kasama si Jia. Pero matagal nang alam ni Ate Ella dahil napagkwentuhan nila 'to kasama si Marci kasi syempre nasaktan yung tao kailangan niya ng mga kaibigan na ico-comfort siya. Sila Marge at Ged naman, yung tropa namin... hindi na rin nagkakasama. Awkward kasi ako kay Ged eh dahil dun sa eksena niya kay Beatriz na nakakagago... bukod pa ron di na rin ako pinapansin ni Marge... ewan ko kung bakit pero nasasaktan ako kasi iwas siya sa

