Hindi ko alam kung bakit, pero simula pa lang ng araw na iyon ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay may kung anong mangyayari, at habang lumilipas ang bawat oras ay lalo lamang lumalakas ang kaba sa dibdib ko. Kanina pa ako pabalik-balik sa pagbabasa ng hawak kong aklat, pero wala ni isang salitang pumapasok sa isip ko. Hanggang sa marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng aking silid.
"Sister Madeleine," tawag ni Sister Grace. "Pinatatawag kayo ni Bishop Larry at ni Mother Superior sa kaniyang opisina. Nandoon na rin si Father Limuel."
Parang biglang huminto ang t***k ng puso ko. Si Father Limuel? Bakit kaming dalawa? May nagawa ba kaming mali? O... may nakapansin na ba? Hindi ko na nagawang magtanong pa. Tahimik lamang akong tumango at sumunod. Habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo ng monasteryo, pakiramdam ko ay lalo lamang bumibigat ang bawat hakbang ko. Ang katahimikan ng lugar na dati'y nagbibigay sa akin ng kapayapaan ay tila ngayon ay unti-unting sumisikip sa aking dibdib.
Pagdating ko sa opisina ng bishop, bahagya akong kumatok bago marahang binuksan ang pinto. Agad kong nakita si Father Limuel na nakatayo sa gilid ng silid. Hindi siya tumingin sa akin. Nakayuko lamang siya, na para bang may mabigat ding iniisip. Tahimik akong lumapit at yumuko bilang paggalang.
"Magandang hapon po, Bishop."
Tumango lamang siya at itinuro ang dalawang upuan sa harap ng kaniyang mesa. "Please, have a seat."
Naupo kami ni Father Limuel nang may pagitan. Walang nagsasalita. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tik-tak ng lumang orasan na nakasabit sa dingding. Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan bago tuluyang nagsalita ang bishop.
"Matagal ko na kayong inoobserbahan."
Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi ko namalayang napahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa rosaryong nasa aking palad.
"Sa bawat misa, sa bawat pagpupulong, at sa bawat pagkakataong magkasama kayo... may napapansin akong hindi ninyo namamalayan."
Napayuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. Hindi ko alam kung ano ang alam niya, pero sapat na ang mga salitang iyon upang maramdaman kong unti-unti nang nabubunyag ang lihim na pilit naming itinatago.
"You are a priest Father limuel, ginagalang ka ng mga tao bilang pari at ginagalang ka dahil isa kang alagad ng diyos pero ano to ha? Ano to sister Madeleine?" Galit na sabi ni Bishop Larry at inilapag ang mga litratong kuha kung saan magkasama kaming dalawa bago ang Christmas. Ito yung namasyal kaming dalawa a kabilang probinsya at nag overnight doon. Buong kala ko ay walang makakakita sa aming dalawa pero meron pala. Habang Si Mother Superior ay tahimik lang na nakaupo.
"Pinatapos ko muna ang Christmas para kausapin kayong dalawa, I'm really disappointed." Dagdag pa ng bishop.
"I will not deny about this Bishop Larry." Wika ni Father Limuel na ngayon ay nasa aking harapan, habang ang kaniyang mga mata ay nakatingin lamang sa mga pictures na nasa ibabaw ng lamesa. "We have a secret affair." Pag-aamin niya kina Bishop at mother superior.
"Jesus Christ! And your proud of it father limuel? You should put God on the center of your life at hindi ang kung sino-sino lang dahil isa kang pari!" Galit na anas naman ni mother superior. Habang ako ay hiyang-hiya na nakayuko at hawak-hawak ang rosaryo.
"But I'm only human Mother Superior and I'm awareon the in that we did." Sagot pa ng pari.
"Pero mali ito naiintidihan niyo? At alam na rin ng punong obispo ang tungkol dito at baka mapatalsik si ister Madeleine sa pagihing madre niya dahil dito. You are both God serve but you both choose to be a sinner." Hindi pa rin papaawat na sabi Bishop Larry.
Hindi ko inaasahan na ganito ang sasakubong sa amin pagkatapos ng masayang selebrasyon noong nakaraang araw. Pero alam kong darating din ng raw na ito na malalaman nilakung ano ang namamagitan sa amin ni Limuel. Pero napaaga lang talaga at hindi ko ito napaghandaan.
I can see the disgust on their face, pero hindi na mababago yon dahil totoo naman ang mga pinakita nilang ebidensya.
"You broke the clerical celibacy, you two made a vow and promise to observe this practice at alam kong alam niyo ang tungkol dito. We re not allow to get married or be involved on any s****l relationship at sa isang madre pa talaga father Limuel."
"Yes bishop, we broke our vow to celibacy and we had s*x with Father Limuel." I said without any second thoughts, but for me kahit ano pa man ang namagitan sa amin ng pari ay hindi lamang ito s*x. It's more than that, it's about the intimacy between us that we are craving towards to each other.
Lalong umigting ang panga ng bishop at ni mother superior sa sinabi ko. "Mapapahamak dito ang simbahan sa ginawa niyong ito."
I just listened to bishop and mother superior, dahil kahit ano pang sabihin nila sa amin ni father Limuel hindi naman na magbabago 'yon. And yes we vow celibate life dahil bago pa kami maging madre at pari ay paulit-ulit na naming pinag-aralan at isinaisip ang tungkol doon. As A Nun and as a priest we need to remain celibate for the sake of the kingdom of heaven. At sa kaso namim ngayon ay nabigo kaming sundin ang aming sinumpaan.
"Malalaman at malalaman ang tungkol dito ng ibang mga pari at madre, handa ba kayong harapin ang pwedeng mangyari sainyo dahil dito?" Tanong ni bishop Larry
Priest and Nun are humans too we can make mistakes also. Lalong lalo na sa mga pari, Priest like them is a subject for temptation, just like normal human being. Pero kahihiyan ang ghinawa naming ito ni father Limuel. We broke the celibacy at dahil dito baka patawan kami ng parusa. Pwedeng warning, suspension o kaya naman pagtalsik mismo sa paglilingkod sa simbahan ang pwedeng mangyari depende sa kasalanan na nagawa.
"Handa naman akong harapin kung ano man ang parusa na ibibigay sa akin ng nakakataas, at alam kong gano'n din si sister Madeleine." Father Limuel answered, habang ang mga tingin ang nakatutok sa akin.
"Then be ready for the consequences you made dahil hindi kayo pagtatakpan ng simbahan sa nagawa niyong kasalanan."