Chapter 83 ALiNA kATE POV PAGDATING SA BAHAY MULA sa palengke ay agad namin inasikaso ang mga pinamili namin. Pansit lang ang lulutuin ko pero namalengke na kami ni tito Conrad dahil kaunti na lang ang mga stock namin sa bahay. Tinulungan naman ako ni tito Conrad sa pagsalansan ng mga pinamili namin sa ref. Kahit hindi siya masyado marunong ay pilit niyang ginagawa para sa akin. Gusto niya daw matuto dahil marunong daw ako sa mga gawain bahay at ayaw niya akong mahirapan pa. Nagtataka nga ako eh, hindi siya marunong maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay. Sabagay, may kaya siya sa buhay at lalake siya. Hindi ko pa nga natatanong kung saan galing ang pera niya at kung sa mga ipon niya ba galing ang mga pera niya. Kasi subrang dami niyang gastos araw araw at sa pinapagawa palang niyang

