Chapter 84 ALiNA kATE POV MATAPOS KUNG MAGLUTO AY binigyan ko ang bagong lipat na kapitbahay namin ng pansit habang inaantay si tito Conrad na umuwe ng bahay. Baka kasi mas lalo siyang magalit kapag pumunta ako sa kabilang bahay. " Maraming salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong sakin ng babae na may ngiti sa labi. " Alina po." Nakangiti ko naman sagot habang nakatingin ako sa dalawa niyang anak na nasa loob ng bahay. " Ako naman si Shandy." Pakilala 'din niya sakin. " Pasok ka." Alok pa niya sakin. " Wag na po. May gagawin pa po ako sa bahay." Tanggi ko naman kahit wala naman talaga akong ginagawa dahil baka umuwe na si tito Conrad tapos wala ako. " Oh sige, salamat dito huh? Balik kona lang mamaya ang pinggan mo." Saad naman nito kaya tumango ako saka nagpaalam na kay ate

