Chapter 64 ALiNA kATE POV NATAWA AKO SA SINABI NG kapatid ko dahil napagkamalan pang boyfriend ko si Santi. " Yuck! Hindi ah." React ni Santi sa mga kapatid ko. " Ay, bakla." Sambit naman ni Yell habang nakatingin kay Santi. " Oo, bakla ako. May problema?" Mataray na sagot ni Santi kay Yell dahilan para matakot ang kapatid. " Uy, gaga ka. Tinatakot mo ang kapatid ko." Sabi ko naman sa kanya sabay yakap kay Yell dahil yumakap sakin ang kapatid ko. " Magsimba na nga tayo. Kaloka kayong magkakapatid." Saad nito saka nauna ng pumunta sa simbahan pero hindi kami pumasok dahil maraming tao sa loob. Natawa naman ako sa tinuran ni Santi at napailing. Tabi-tabi naman kaming magkakapatid habang nasa unahan namin si Santi. " Akala ko boyfriend mo ate." Pabulong na sabi ni Danaya sakin. Napan

