Chapter 65 ALiNA kATE POV AFTER NAMIN KUMAIN AT MANUOD nang sine ay nag-window shopping muna kami sa mall. Hindi kami namimili dito dahil mahal ang bilihin sa mall. Mamaya na lang kami mamimili sa tiyangge. May nakita kaming tiyangge malapit sa mall. Kaya naman panay lang ang tingin namin sa mga store doon. Pero nanglilibre si Santi ng pagkain. Like milktea, ice cream o burger kaya busog na busog kami habang naglalakad sa mall. Maya-maya'y pumasok kami sa tom's world at naglaro ang mga kapatid ko kasama ni Santi. Natatawa naman ako sa mga kapatid ko dahil inuuto nila si Bakla para makapaglaro sila sa mga game's doon. Ako naman ay nakasunod lang sa kanila habang kinukuhanan ko sila ng video o kaya picture at nakangiti. Ang saya kasi ng mga kapatid ko habang naglalaro sila. Pati si bakl

