Chapter 66 ALiNA kATE POV SA TIYANGGE NGA KAMI PUMUNTA para bilhan ang mga kapatid ko ng pasalubong pag-uwe nila ng bahay. Para naman maramdaman nilang mahal na mahal ko sila dahil binilhan ko sila ng pasalubong. " Ate gusto ko 'to." Sabi sakin ni Danaya. Tinignan ko naman ang dress na gusto niya. " Ang igsi naman niyan. Bakit 'yan? Masisilipan ka diyan." Ani ko sa kanya. Umaarangkada na naman ang pagiging ate ko. Syempre, ayaw ko siyang mapahamak. Lalo na ngayun, wala ako sa tabi nila. " Pwede naman cycling ate. Ang ganda kasi eh." Nakanguso pa niyang sambit at mukhang bet na bet ang dress. Napabuntong hininga naman ako at pumayag 'din kalaunan kaya ang saya ni Danaya. " Yehey, thank you ate." Aniya sabay yakap sakin. " Sige, bilhan muna." Sabi ko sa kanya. Then si Yell naman ang

