Chapter 05
ALINA KATE DIAZ POV
BUMABA AKO SA KUSINA at nakita ko ang boyfriend ng mama ko habang nagkakape. Napalingon siya sakin habang nakangisi ito at pinasadahan ang katawan ko ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Simula ng patirahin ni mama ang boyfriend niya dito sa bahay ay hindi na kami nagsusuot ng maigsing short at blouse para iwas disgrasya. Napansin ko kasing parang may pagkamanyak ang lalake sa tuwing tumitingin samin magkakapatid.
Kaya naman kinausap ko ang dalawa kung kapatid na wag ng magsusuot ng maigsi at mag-ingat palagi sila sa boyfriend ng mama namin para hindi sila mapahamak. Kung pwede lang ay sa kwarto lang sila kapag nandito sa bahay ang boyfriend ni mama.
Wala akong tiwala sa lalake kaya nag-iingat kaming magkakapatid. Tiwala pa naman ang mama namin na walang hindi gagawin ang boyfriend niya kaya hinahayaan niya.
" Hi, Alina. Good morning." Nakangisi pa niyang bati sakin pero hindi ako sumagot. Lumapit naman ako sa may sink para magtimpla ng sariling kape. Pero habang nagtitimpla ako ng kape ay pinapakiramdaman ko ang lalake sa likod ko at baka bigla na lang lumapit sakin.
Nangdidiri ako sa kanya dahil pumapatol siya sa mama ko. Hindi na siya nahiya. Nang matapos magtimpla ay naglakad na ako patungo sa pintuan ng magsalita ang lalake.
" Dito kana lang, Alina." Paanyaya niya sakin.
" Wag ako." Nakataas ang kilay na baling ko sa kanya. " Wala akong tiwala sayo. Atsaka pwede ba, iwanan muna ang mama ko? Alam ko naman hindi mo siya mahal. Pinipirahan mo lang siya."
" Grabe ka naman. Gano'n ba ang tingin mo sakin? Mahal ko ang mama mo."
Napa-tsk naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ako naniniwala na mahal niya ang mama ko. Kung makahingi siya ng pera sa mama ko ay gano'n-gano'n na lang. Mabuti pa nga siya ay binibigyan. Samantalang kaming mga anak niya ay hindi.
Kaya galit ako sa mama ko. Mas mabuti pa ang ibang tao ay binibigyan niya.
" Oo, gano'n ang tingin ko sayo. Wala akong tiwala sayo dahil peperahan mo lang ang mama ko. Dahil kung hindi, sana nagtatrabaho ka at hindi ka humihingi ng pera sa mama ko. Ang tamad tamad mo at ang kapal ng mukha mo." Hindi ko napigilan sabi ko sa kanya. Nakita kung nagalit ang lalake. At akma niya akong susugurin ng dumating si mama.
" Anong nangyayari dito?" Tanong ng mama ko at tumingin siya sakin na tila ang lalake ang kinakampihan niya.
Lumapit naman ang lalake sa mama ko at talagang nagsumbong pa sa mama ko dahilan para mapaawang ang labi ko sa galit.
" Sumusubra na ang anak mo, babe. Pinapalayas niya ako dito. Ang sabi niya ay iwan daw kita."
" Totoo ba 'to, Alina Kate?" Tanong ni mama sakin habang salubong ang kilay na mukhang galit na siya agad sakin.
" Oo, Ma. Ang kapal kasi ng lalake mo. Ikaw pa ang nagpapakain sa kanya kesa samin ng anak mo."
" Wala ka ng magagawa, Alina Kate. Dahil mahal ko siya. Tanggapin mo man o hindi ay dito siya titira sa bahay. Ayaw ko ng makakarinig na inaaway mo ang boyfriend ko, kundi makakatikim ka sa akin." Galit na sabi ng mama ko.
" At talagang siya pa ang kinakam-"
" Tama na." Galit na sigaw ni mama sakin dahilan para matigilan ako sa pagsasalita. " Alam ko hindi niyo tanggap. Pero wala na kayong magagawa. Dito siya titira sa bahay ko." Muli ay sabi nito saka hinila na ang boyfriend niya palabas ng kusina. Nakita ko pang nginitian ako ng lalake na ngiting tagumpay.
Nang mawala na ang dalawa ay napabuga na lang ako ng hangin sa subrang galit na aking nadarama. Habang tumataas ang dibdib ko.
Parang gusto kung umiyak ng mga oras na iyon dahil sa sama ng loob ko sa aking ina. Mas kinakampihan niya pa ang boyfriend niya kesa samin ng mga anak niya.
Palagi na lang niyang kinakampihan ang boyfriend niya sa tuwing inaaway ko ang lalake. Palagi na kaming nag-aaway ni mama nitong mga nakaraan araw dahil sa lalake niya.
Paano ba naman, akala mo may katulong siya sa bahay dahil ang baboy ng lalaking iyon.
Tapos kami pa ang napapagalitan ni mama kapag madumi ang bahay. Hindi niya alam ang boyfriend nito ang nagkakalat. Then hindi pa tumutulong sa gawain bahay at palagi na lang nakahilata.
Sarap buhay nga, ika nga. Kalalaking tao, napaka-batugan.
Inis akong lumabas ng kusina at nakasalubong ko ang kapatid kung si Danaya.
" Okey ka lang ate?" Nag-aalala niyang tanong sakin. Mabigat naman akong huminga ng malalim para mawala ang bigat sa dibdib ko.
" Bweset kasi ang boyfriend ni mama eh. Sinumbong ako." Inis na kwento ko sa aking kapatid.
" Gago nga iyon ate. Kahit ako sinumbong 'din kay mama dahil pinaalis ako. Nanunuod pa ako ng tv sa salas." Pagsusumbong niya rin sakin.
" Bakit hindi mo sinabi sakin?" Gulat na tanong ko sa kanya.
" Hindi na. Palagi na lang kasi kayo nag-aaway ni mama eh. Mas importante pa sa kanya ang boyfriend niya kesa satin." Masama ang loob na sabi niya sakin kaya niyakap ko siya.
" Hayaan mo. Matatauhan 'din ang nanay natin."
" Kailan ate?" Malungkot na tanong niya sakin.
" Hindi ko alam." Buntong hininga kung sagot. Sana nga ay matauhan na si mama para kami naman ang alagaan niya kesa sa animal na 'yun.
" Malapit na ang pasukan ate. Paano tayo mag-aaral?" Tanong sakin ni Danaya habang patungo kami sa labas ng bahay. May veranda doon na tambayan namin.
" Makakapag-aral kayo, Yell." Nangangako kung saad sa kanya. " Kailangan ko lang maghanap ng trabaho para makapag-aral kayo."
" Paano ka ate?"
" Wag mo akong isipin. Ang importante ay makapag-aral kayo." Nakangiti kung sabi sa kanya. Ito naman ang napabuntong hininga.
" Magtrabaho na lang kaya ako ate? Si Yell na lang ang pag-aralin natin?" Suhestiyon naman nito. Mariin naman akong umiling at tumutol.
" Hindi." Aniya. " Ako ang panganay kaya ako ang magtatrabaho. Wag na natin asahan ang nanay natin dahil may boyfriend na siya." Sabi ko habang namumuo na naman ang galit ko sa ina.
Nang dumating ang tanghali ay pumunta ako sa kwarto ng mama ko para humingi ng pera. Simula ng mag-boyfriend si mama ay palagi na lang sila sa bahay ng lalake niya. At nagkukulong sa kwarto. Maririnig na lang namin na umuungol ang mama ko at panigurado ay may ginagawa sila sa loob. Kapag gano'n ay palagi kung pinapababa ang mga kapatid ko para hindi nila marinig ang mga ungol.
" Bakit na naman ba?" Inis na tanong ni mama ng buksan niya ang pintuan. Nakatapis lang ng tuwalya ang katawan at mukhang may ginagawa na naman sila ng lalake niya. Tapos ay nakita ko sa loob ang lalake na naka-brief lang ito.
Confirm, mabuti na lang talaga ay menopause na ang mama ko kaya hindi ako mangangamba na mabubuntis siya.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ng mga oras na iyon. Galit ba dahil ang libog nilang dalawa. Hindi na niya naisip ang mga anak niya na baka marinig sila.
" Pambiling bigas at ulam." Walang emosyon kung sagot sa ina.
" Wala ka bang pera diyan? O kaya mangutang kana lang muna sa tindahan."
" Ma, malaki na ang utang natin sa tindahan at nagagalit na si aling susan." Saad ko sa ina. Palagi na lang kami nangungutang sa tindahan. Binabayaran naman ngunit matagal kapag nanalo lang si mama sa sugal.
Wala kasi akong work kaya hindi ko mabayaran.
" Wala akong pakialam. Basta mangutang kana lang muna. Wag mo kaming isturbuhin." Galit na sigaw niya sakin saka sinara ang pintuan.
Galit naman akong tumingin sa pintuan. Parang gusto kona lang sumigaw sa galit. Kung may ibang pupuntahan lang kaming magkakapatid ay baka lumayas na kami.
Inis akong bumaba at lumabas ng bahay para mangutang sa tindahan. Palagi na lang kami nangungutang simula ng mamatay si papa.
" Oh, mangungutang ka na naman?" Sabi agad ni aling susan ng makalapit ako sa tindahan niya. Narinig tuloy ng mga tsismosa naming kapitbahay. Hindi tuloy ako nakapagsalita at parang gusto kona lang lumubog sa kinatatayuan ko. " Hindi muna ako magpapa-utang, Alina. Aba, mahigit tatlong libo na ang utang niyo samin. Asan ba ang nanay mo at bayaran na niya kamo ako." Dagdag na sabi pa ni aling susan ng hindi ako magsalita.
" Nako, panay kasi ang panglalake kaya hindi nakakabayad ng utang." Sabi pa ng isang tsismosa samin.
" Kaya nga, palagi na lang sugal at panglalake. Hindi na nahiya, ang tanda tanda." Walang pakemi ng isa pa kahit andiyan lang ako. Totoo naman ang sinabi niya.
Para hindi mapaaway ay umalis na lang ako. Wala naman patutunguhan kung ipagtatanggol ko ang mama ko sa mga tsismosa dahil totoo naman.
Naglalakad na ako patungo samin ng may humabol sakin na isang bakla.
" Gusto mo trabaho, sis?" Tanong niya agad sakin ng makalapit.
" Ano naman po?" Balik tanong ko rin saka tumabi sa gilid at baka masagasaan kami.
" GRO."
" GRO?" Ulet ko dahil hindi ko alam ang ibig sabihin no'n.
" POKPOK." Mabilis nitong sagot sakin. Nang marinig ko iyon ay agad akong tumanggi sa bakla.
" Hindi po."
Kahit mahirap na ang buhay namin dahil sa mama ko ay hindi ako papasok aa bar para lang maging pokpok. May dignidad naman ako, at hindi ko pinangarap na maging pokpok.
Kaya nga gusto ko mag-aral ngunit hindi na mangyayari iyon. Pero kahit gano'n pa man ay hindi ako papasok sa bar na maging pokpok.
" Sorry po. Ayaw ko po." Wika ko saka mabilis iniwan ang bakla.