Chapter 06
ALINA KATE POV
NAPAIRAP AKO SA HANGIN ng makita ko ang boyfriend ng mama ko habang walang suot na pang-itaas. Akala naman niya ang ganda ng katawan niya. Wala nga'ng ka shape-shape o wala manlang abs ang tiyan nito.
Parang gusto kung masuka, ang lakas ng loob na ibalandra ang katawan niya. Akala mo ang hottes siya.
Iniwasan ko siya dahil wala akong plano na makipag-plastikan sa kanya. Ngunit sadyang epal talaga ang boyfriend ng mama ko.
Binangga ba naman ako sa balikat.
" Ano ba!" Galit na sigaw ko sa kanya sabay tingin ng masama dito.
" Oh? Ikaw na nga 'tong namangga." Paninisi niya sakin.
" Kapal mo ah? Ang lawak ng daanan tapos binangga mo pa ako." Muli ay galit kung sagot sa kanya na may kasamang pagtataray. Wala akong pakialam kung magsumbong siya sa mama ko dahil sanay na ako. Kami palagi pinapagalitan kahit kasalanan ng boyfriend niya.
Napangisi naman ang lalake na tila nakakaloko. At lumapit pa sakin kaya napaatras ako. Medyo kinabahan ako at kumabog ang dibdib ko dahil sa paglapit niya. Pero hindi ko pinakita sa kanya na natatakot ako dahil baka iyon pa ang maging hudyat para may gawin siyang masama sakin o samin.
" Alam mo ikaw? Ang ganda mo sana eh, kaya lang napaka-sungit mo. Pasalamat ka, anak ka ng mama mo. Kung hindi, baka ano pa ang magawa ko sayo." Pangbabanta niya sakin habang nakangisi ito na tila manyakis.
Palagi ko kasi siyang tinatarayan o sinusungitan para umalis na siya sa bahay namin. Pero sadyang makapal ang mukha ng lalake at pinagsisiksikan talaga niya ang sarili dito kahit wala na kaming makain. At ang kapal pa ng mukha niya.
Wala na nga pakinabang sa bahay na pero gusto pa palaging masarap ang ulam. Ang nanay ko namang uto-uto ay palaging binibili ang animal. Pag-saamin mga anak niya, okey lang kahit sardinas ang ulam namin. Samantalang ang hinayupak na ito ay kung hindi baboy o manok ang ulam niya.
Kaya palagi ko siya tinatarayan para umalis na siya sa bahay namin. Masyado na siya nakakasikip sa bahay namin.
" Oh, ano? Tingin mo naman papatulan kita? Ang pangit pangit mona nga, mukha ka pang adik." Inis na sagot ko sa kanya. Sa itsura ng lalake ay mukhang adik. Kaya naman natatakot kami tuwing gabi. Mamaya kasi ay pasukin kami sa loob ng kwarto namin.
" Wow, huh? Magugustuhan ba ako ng nanay mo? Kung pangit ako? " Sarkasmo niyang tanong sakin na may pagmamalaki sa tono nito.
" Kasi tanga ang mama ko kaya ka niya nagustuhan. Kasi kung matalino 'yan, asa ka naman patulan niyan. Sa pangit mong 'yan at batugan? " Hindi ko napigilan sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi, mamimili lang ng lalake. Pangit at palamunin pa.
Hirap na nga kami sa buhay tapos kumuha pa siya ng isang palamunin. Nagulat at natigilan naman ako ng biglang sapuhin niya ang mukha ko at mariin na hinawakan iyon. Nakaramdam naman ako ng takot sa dibdib dahil sa ginawa ng lalake. Wala pa naman si mama at panigurado ay nasa taas iyon. Magkagano'n pa man ay hindi parin ako nagpakita ng takot dito.
" Ayus ka 'din ah? Ang talas talaga ng dila mo. Anong gusto mong gawin ko sayo para hindi kana magsungit. Hindi kapa siguro nagkaka-boyfriend kaya ganyan ang ugali mo. Halikan kaya kita, gusto mo?" Banta niya sakin kaya winasiwas ko ang mukha ko para tanggalin niya ang kanyang kamay doon ngunit mas lalong humigpit ang kamay niya.
Nakaramdam 'din ako ng kilabot sa kanyang sinabi. At pangdidiri kapag hinalikan ako ng lalaking ito.
" Ano ba! Bitawan mo nga ako." Mariin na utos ko sa kanya habang nagmamatigas ako. Hinding hindi ako magpapahalik sa lalaking 'to. Mukha pa naman hindi nagsesepilyo ng ngipin.
" Ano gusto mo ba?" Nakangisi niyang tanong sakin habang may pagnanasa sa mga mata niyang nakatingin sa labi ko. Mas lalo ako nakaramdam ng kilabot sa aking katawan at takot.
" Ate!" Rinig kung boses ni Danaya dahilan mapalingon kami sa kanya at lumapit samin. " Bitawan mo ang ate ko." Galit nitong sigaw sa lalake. Kaya naman binitawan na ako ng lalake. Napahawak naman ako sa pingi ko ng makaramdam ng sakit. Pakiramdam ko ay namamaga iyon.
" Pasalamat ka." Nakangisi parin niyang sambit saka umalis na.
" Ate okey ka lang?" Nag-aalalang tanong sakin ni Danaya. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot sa kanya.
" Oo, Danaya. Salamat sayo." Tugon ko habang tumataas ang dibdib ko sa labis na galit sa lalake.
" Natatakot ako ate. Mamaya anong gawin niya satin. Bakit hindi natin isumbong kay mama?" Tanong sakin ni Danaya na halatang natatakot talaga siya.
" Sa tingin mo ba paniniwalaan tayo ni mama? Masyado niyang mahal ang animal na 'yun." Inis kung sagot sa kanya.
" Kesa naman ganito. Sinaktan kana niya ate. Baka sa susunod iba na ang gawin niya sayo." Takot na takot na sabi niya sakin kaya niyakap ko ng mahigpit si Danaya at pinakalma. Siya ang pinakatakot samin tatlo kaya naman natatakot ako sa kaligtasan nilang dalawa ni Yell.
Nang dumating ang hapunan ay wala na naman kaming mailuluto dahil wala ng bigas sa lagayan. Hindi kona ginagalaw ang ipon ko dahil magkano na lang iyon. Gagamitin ko 'yun kapag nag-aplay ulet kami ni Elena ng trabaho.
Bumaba si mama mula sa taas habang nasa sala's kami at nanunuod ng tv.
" Nagluto kana, Alina Kate. " Tanong ni mama sakin kaya hindi ko napigilan mapairap ng lihim. Paano ako magluluto kung wala naman siyang binibigay na pera.
" Hindi pa po dahil wala na po tayong bigas. Hindi na rin nagpapa-utang si aling susan dahil malaki na raw po ang utang natin." Magalang ko parin sagot kahit gustong gusto kona siyang sagutin ng pabalang. Mabuti pa sa boyfriend niya ay nakakapagbigay siya ng masarap na pagkain pero kaming mga anak niya hindi.
Inis naman na napabuntong hininga si mama ng malalim.
" Madamot talaga ang matandang 'yun. Babayaran naman siya kapag nanalo ako sa sugal."
Hindi naman ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya. Nakita kung may dinukot siyang pera sa bulsa. Limang daan pesos iyon.
" Bumili kana at magluto dahil nagugutom na si Warlak." Utos nito sabay abot ng pera sakin. Parang galit pa dahil padabog. Mukhang ayaw niyang gumastos pero nagugutom na ang patay gutom niyang boyfriend.
" Bakit hindi siya magtrabaho, Ma? Wala naman siyang ginagawa dito sa bahay, para makatulong naman siya." Hindi ko napigilan tanong ko sa ina kaya nakatikim ako ng masamang tingin.
" Bakit ba pinag-iinitan mo si Warlak? Hindi siya magtatrabaho dahil dito lang siya sa bahay. Kung gusto mo ay ikaw na lang tutal hindi kana makakapag-aral ng college." Inis na sabi nito. Hindi na ako nagulat pero nag-react parin ako.
" Bakit, Ma?"
" Wala na tayong pera. Baka nga mga kapatid mo hindi na rin."
" Pero, Ma?" React ko dahil pati ang mga kapatid ko damay. Tanggap ko kung ako lang pero kung pati ang mga kapatid ko ay hindi pwede 'yun.
" Ano? Ipipilit mo?" Galit na tanong niya sakin. " Wala na nga tayong pera kaya hindi na muna sila mag-aaral." Giit sakin ni mama. Galit naman akong sumagot sa kanya.
" Kung hindi kayo nagsusugal, umiinum at manglalake hindi naman mangyayare 'to."
Tila nagpantig naman ang tenga ni mama at mabilis akong sinampal nito sa mukha na kinabigla ko saka ng mga kapatid ko.
" Ma!" Sigaw ni Danaya. Pero hindi sila pinansin ni mama.
" Ang kapal ng mukha mong sisihin ako. Kung hindi tayo iniwan agad ng papa mo hindi ito mangyayare satin. Kaya wag na wag mo akong sisisihin kundi ang tatay mo." Galit nitong sigaw sakin. Hinawakan ko ang nasaktan kung pisngi. Sa lakas ng sampal ni mama ay parang matutumba ako kanina. Masakit pa iyon dahil sa ginawa ng boyfriend niya.
Nasasaktan na ako ni mama dahil sa lalake niya kaya sumasagot na ako sa kanya. Hindi ko talaga mapigilan mangatwiran kaya nakakatikim ako sa kanya.
" Hindi makapal ang mukha ko, Ma." Muli ay sagot ko sa kanya habang umiinit ang sulok ng mga mata ko dahil sa labis na sakit at sama ng loob dito. Inawat naman ako ni Danaya ng makalapit sakin at pinipigilan.
" Tama na ate." Umiiyak na ito kaya niyakap ko siya. Madali lang kasi umiyak si Danaya lalo na kapag may nag-aaway sa harapan niya.
" Hay nako! Mga buset talaga kayo sa buhay ko." Galit na sigaw ni mama at iniwan na kami.
Huminga naman ako ng malalim. Kung may matitirhan lang kami baka umalis na talaga kami dito. Hindi kona kayang pakisamahan si mama at ang lalake nito.
" Tama na. Wag kanang umiyak. Samahan muna lang ako sa talipapa. " Sabi ko kay Danaya habang naiiyak. Pilit kung pinapalakas ang loob ko para hindi panghinaan ng loob ang mga kapatid ko.
Dahil nagiging violente na si mama sakin. Nang dahil lang sa lalake niya. Lumabas na nga kami ng bahay at pumunta sa talipapa para bumili ng ulam. Hindi ko alam kung anong luto dahil walang sinabi si mama kaya ako na lang bahala. Gano'n naman palagi dahil maarte ang lalake sa ulam.