Chapter 07 ALINA KATE POV SINAMAHAN KO ANG KAIBIGAN kung si Marian sa palengke. Pumunta siya sa bahay para magpasama sakin sa palengke. Ganito naman siya, palagi akong sinasama sa palengke para daw hindi ako nagmomokmok sa bahay. Well, saan naman ako pupunta? Kung hindi sa kanila ay bahay lang ako. Ayaw ko naman lumabas sa labas dahil pagtsitsismisan lang kami ng mga tsismosa doon. Hindi naman ako mahilig makipag-tsismosa. Atsaka sanay naman ako sa loob ng bahay. Dahil dati ay school, bahay lang kaming magkakapatid. Kaya naman wala akong kaibigan sa lugar namin dahil 'yung babae samin ay puro lalake ang barkada. Ayaw pa naman ni papa at mama 'yun. Kahit naman naiinis ako sa mama ko ay hindi ko magawang mag-rebelde dahil may mga kapatid ako. Ayaw kung masira ang buhay nila kaya hindi

