Chapter 03
ALINA KATE POV
PAGDATING SA LUGAR NAMIN AY pinagtitinginan ako ng mga ka lugar namin. Mukhang nalaman na nila na may inuweng lalake ang mama ko. Wala naman kami kawala sa mga tsismosa samin. Lahat makikita at malalaman kahit anong gawin mong tago.
Hindi kona lang sila pinansin dahil mapapaaway ka lang kapag pinatulan mo sila. Sila na nga ang namemerwisyo pero sila pa galit. Kaya kapag ganito ay hindi kona lang pinapansin.
Pero nagulat ako ng lapitan ako ng isang babae. Wala naman akong masyadong kilala samin dahil hindi naman ako mahilig lumabas para lang makipag-tsismisan. Kilala nila ako, pero ako hindi ko sila kilala.
" Alina mag-aasawa na ba ulet ang mama mo? Nakita kasi namin may inuweng lalake ang mama mo." Tanong sakin ng babaeng mataba. Hindi naman ako makapagsalita dahil nagngangalit ang dibdib ko sa inis sa kanila at higit sa lahat sa mama ko.
Kung hindi siya nag-uwe ng lalake samin ay hindi kami pagtsitsismisan ng mga tao samin.
Inis akong iniwan sila saka umuwe sa bahay. Mas lalo pa ako nainis ng makita ko ang mama ko at ang lalake niya sa sala's na tila naghaharutan. Mabuti pa ang mama ko may boyfriend na. Samantalang ako wala, kaso ayaw niya.
Mabilis akong lumapit sa kanila habang masama ang mukha ko. Tila nagulat naman ang dalawa at tumigil sa ginagawa. Hindi ko naman nakita ang mga kapatid. Mukhang nasa taas na sila dahil andito ang dalawa.
" Talagang desidedo na kayong i-uwe ang lalake na 'yan dito, Ma? Pinagtsitismisan na tayo sa labas." Masama ang loob na tanong ko sa kanya. Galit naman nagsalita si mama.
" Bakit mo kasi pinapansin ang mga tsismosa na 'yan? Mga inggit lang sila dahil maganda ako at may asim pa."
" Hindi ba kayo nangdidiri, Ma?" Muli ay sabi ko sa kanya. " Parang anak mona ang lalake na 'yan." Pang-uuyam ko sa kanya. Natigilan naman ang mama ko sa aking sinabi bago nagsalita ulet.
" Mahal namin ang isa't isa. At wala na akong pakialam kung matanda ako sa kanya o hindi, diba babe?" Baling ni mama sa boyfriend niya. Parang ako ang nangdiri sa kanila kapag hinahalikan ni mama ang lalake.
" Oo mahal namin ang isa't isa." Singit naman ng lalake kaya tinignan ko siya ng masama.
" Hindi kita kinakausap kaya wag kang magsalita diyan."
" Alina Kate!" Galit na sigaw ni mama sakin. Samantalang dati ay hindi niya kami sinisigawan. Pero ngayun nasisigawan na dahil sa lalaking ito. Kaya mas lalong sumasama ang loob ko sa kanya. " Hindi mo dapat pinagsasalitaan ng ganyan ang magiging step father mo. Matuto kang gumalang." Galit na sabi niya sakin kaya tinignan ko ng masama si mama at pati na rin ang lalaki nito habang nangingilid ang luha ko sa mga mata.
Sa subrang sama ng loob ko ay iniwan ko sila sa sala's at umakyat sa taas. Pinahid ko ang luhang bumagsak sa aking pisngi bago huminga ng malalim.
Ayaw kung makita ng mga kapatid kung umiiyak ako kaya pinahid ko muna ang luhang bumagsak at pinakalma ang sarili. Pagkatapos ay binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Ando'n nga ang dalawa habang busy sa kanilang cellphone.
Pero ng makita ako ay binitawan nila ang mga gadget saka lumapit sakin at yumakap.
" Saan ka galing ate? Andiyan na sina mama." Sabi ni Danaya sakin.
" Nakita na ako ni mama." Sagot ko saka kumawala na ang dalawa sakin. Naupo kami sa kama. Samantalang si Yell ay bumalik sa pagce-cellphone kaya kaming dalawa lang ni Danaya ang nag-uusap.
" Nakakainis si mama ate. Bakit kailangan niya pang mag-asawa ulet? Hindi pa ba tayo sapat?" Naiiyak na tanong sakin ng kapatid ko.
Hindi ko rin alam ang isasagot. Tama naman siya. Hindi pa ba kami sapat para hindi na siya maghanap ulet ng lalake? Hindi niya ba mahal si papa para maghanap siya ulet?
" Hindi ko alam, Danaya. Naiinis rin ako pero wala naman ako magawa." Wika kona naiiyak na naman. Atsaka niyapos si Danaya.
" Kung pwede lang maglayas, naglayas na ako." Saad nito kaya mabilis ko siyang sinaway.
" Wag na wag mong gagawin 'yan. Nandito pa naman ako." Ani ko sa kanya na tumingin pa dito.
" Wag mo kami iiwan ate huh?" Nakikiusap niyang tanong sakin.
" Oo naman, hindi ko kayo iiwan. Nandito lang ako palagi sa tabi niyo. Hindi tayo maghihiwalay dahil nangako ako kay papa at mahal na mahal ko kayo huh?" At tuluyan na akong naiyak sa subrang sama ng loob ko kay mama.
Naaawa ako sa mga kapatid ko dahil imbes na alagaan kami ng mama namin ay mas inuuna pa niya ang lalake niya. Hindi dapat namin nararanasan ito o nararamdaman dahil andiyan pa ang mama namin. Pero dahil may lalake na siya at palasugal pa siya ay hindi na niya kami naaalagaan.
Hindi ko nga alam kung makakapag-aral pa kami. Pero magtatrabaho ako para sa mga kapatid ko at makapag-aral sila. Nangako ako sa papa namin na magtatapos kami. Sa ngayun ay titigil muna ako dahil ayaw konang asahan ang mama namin at mukhang ubos na ang ipon namin.
Pagdating ng tanghali ay bumili lang kami ng tatlong pansit kanton at itlog. Iyon na lang ang uulamin namin at may kaunti pa naman bigas sa lagayan.
Hindi kasi ako humingi sa mama ko dahil may ginagawa sila sa loob ng kwarto. Dito pa talaga sila gumagawa ng kabalastugan sa bahay. Ako ang nahihiya sa mama ko dahil hindi manlang kami iniisip kung maririnig ba namin tsk.
At simula ng hindi kami nakakapag-grocery ay palagi na lang ganito ang ulam namin magkakapatid. Minsan kapag binigyan ako ni mama ng pera ay nagluluto ako ng ulam. Mabuti nga ay marunong ako magluto kaya hindi kami magugutom.
Salamat kay papa dahil tinuruan niya ako magluto. Tinuruan niya ako magluto para daw kapag nag-asawa na ako ay marunong na ako magluto at hindi ako iwan ng lalaking mahal ko. Mabuti pa siya inaalala kami, kaya naman subrang lungkot ko ng mamatay si papa. Natatakot ako na baka hindi namin makayanan ang buhay na wala siya.
Pero pinapatatag kona lang ang loob ko at iniisip ko ang mga bilin niya sakin.
Nang matapos magluto ng pansit kanton at itlog ay nilagay kona sa mesa ang mga niluto ko. Mabuti na lang ay hindi maarte ang dalawa kung kapatid sa pagkain kaya kapag anong ulam sa hapag kainan ay kain lang sila. Bawal kami mag-inarte no'n dahil nagagalit si mama.
Parang alam na niya ang mangyayare ito. Kaya tinuturuan niya kami sa mga gawain bahay at wag mag-inarte.
" Kain na." Sabi ko sa kanila.
" Wow, ang sarap naman." Masayang sambit ng dalawa kaya napangiti ako at naupo na rin. Nagsimula na kaming kumain. Sanay na kaming hindi namin kasabay si mama sa pagkain kaya hindi na namin siya tinatawag pa. Bahala siya sa buhay niya. Magpakasaya siya sa lalake niya kung mabubusog pa siya.
Hindi na naman mabubuntis si mama dahil matanda na ito. Atsaka maagang nag-menupause ang mama ko kaya hindi ako nag-aalala na mabubuntis siya.
" Uy! Akin na lang 'yan." Sabi ni Yell at nakipag-agawan sa ate niya. Kaunti na nga lang kinuha ko ay kulang pa sa kanilang dalawa.
Napangiti na lang ako dahil ganito sila kapag gusto nila ang pagkain. Palagi silang nag-aagawan.
" Hala! Ate oh?" Pagsusumbong ni Danaya sakin dahil mas maraming kinain si Yell.
" Bigyan mo si ate mo, Yell." Sabi ko sa bunso naming kapatid. Kaagad naman binigyan ang ate niya ngunit kaunti lang kaya ang sama ng mukha ni Danaya. " Hayaan muna. Sunod damihan kona." Ani ko sa kanya kaya kumain na lang kami.
" Paano sila mama ate? Walang pagkain." Kapagkuwan ay sabi sakin ni Danaya.
" May kanin naman, bahala na sila sa ulam nila." Wika ko. Bakit ko pa sila iisipin malalaki na sila. Atsaka wala naman binigay sakin si mama para bumili ng ulam.
Nagagalaw kona nga ang ipon kona hindi naman dapat kasi panggastos ko sana sa pasukan pero mukhang hindi na ako mag-aaral.
Nang matapos kumain ay sina Danaya at Yell kona ang pinaligpit ko dahil maglalaba pa ako sa likod bahay. Mabuti na lang talaga ay marunong kami sa buhay. Kung nagkataon na hindi ay panigurado gutom kaming magkakapatid.
Abala ako sa paglalaba ng dumating ang kapatid kung si Yell doon.
" Ate, naghahanap ng pagkain si mama."
Napabuga ako ng hininga. Pagod na nga ako sa paglalaba sakin pa naghahanap ng pagkain. May kanin naman sa kusina.
" Sabihin mo walang ulam. Kanin lang ang natira." Ani ko.
" Nagagalit ate eh. Bakit hindi daw tayo nagluto." Natatakot na sabi niya sakin kaya muli akong huminga ng malalim at pumasok sa loob ng bahay.
Nakita ko ang aking ina kasama ng boyfriend niya sa kusina na tila may hinihintay.
" Asan ang ulam, Alina?"
" Wala ka naman binigay ah? Anong uulamin." Pabalang kung sagot dahilan para magalit si mama. Hindi naman kasi ako magiging ganito kung matino lang siya.
" Siraulo kang bata ka ah? Tinatanong kita ng maayus."
" Sa wala nga eh, bakit hindi ka diyan sa boyfriend mo ikaw humingi?" Baling ko sa boyfriend niya na palamunin.
" Aba't ginagalit mo talaga ako." Sambit nito na akma akong susugurin ngunit mabilis siyang inawat ng boyfriend niya.
" Tama na babe. Sa labas na lang tayo kumain." Saad nito habang nakatingin sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
Tapos ay umalis na sila sa kusina at naiwan ako. Napaluha naman ako habang nagngangalit ang dibdib ko sa galit.
Wala na nga'ng binibigay ay naghahanap pa siya ng pagkain. Wala na nga'ng pagkain sa ref at cupboard. Tapos nagdagdag pa siya ng palamunin.
Sana lang talaga ay hindi namatay si papa. Hindi sana ganito si mama at ang buhay namin.