Chapter 02
ALINA KATE POV
NAGISING AKO KINABUKASAN na wala na ang mga kapatid ko sa kwarto kaya bumangon na ako sa kama kasabay ng paghikab at pag-unat. Hindi ako masyado nakatulog kagabi at anong oras na ako nakatulog dahil nag-aalala parin ako sa lalaking inuwe ng mama ko sa bahay.
Mamaya kasi ay biglang pumasok sa kwarto namin at gawin kami ng masama. Lasing pa naman ang mama ko. Umalis na ako sa kama saka tinali ang mahaba kung buhok at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa baba saka pumunta sa kusina. Nakita ko ang dalawa kung kapatid na kumakain ng almusal. Mukhang galing sa bili ang kinakain nila. Hindi ko alam kung anong oras na pero medyo mataas na ang araw.
" Si mama?" Tanong ko agad sa dalawa saka pumunta sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Pagkatapos ay uminum ako ng tubig.
" Umalis ate. Kasama ng boyfriend niya. Ang sabi niya kukunin daw nila ang gamit ng lalake." Sagot ni Danaya sakin.
Napabuntong hininga naman ako ng malalim kasabay ng pagsama ng mukha ko.
" Itutuloy parin talaga niya." Galit na bulong ko habang nanglilisik ang mga mata.
" Wala na tayo magagawa ate. Nakapag-desisyon na si mama." Malungkot na sabi ni Danaya sakin. Halata sa mukha niya ang lungkot at tutol sa pag-aasawa ulet ng mama namin.
Si Yell naman ay patuloy lang sa pagkain niya na tila walang pakialam sa nangyayare.
Kumain na rin ako ng agahan saka umalis muna ng bahay after kumain para makahinga muna at pumunta sa bahay ng kaibigan ko. Gusto ko muna ng makakausap kaya pupuntahan ko si Marian, ang matalik kung kaibigan.
Iniwan ko muna sa bahay ang mga kapatid ko dahil mamaya pa naman uuwe ang mama ko at panigurado ay magsusugal na naman siya.
" Alina, ikaw pala." Bulalas ni Marian ng makita ako sabay yakap. Salat sa buhay ang kaibigan kona ito dahil sa squatter sila nakatira. Samantalang kami ay maayus ang buhay at maganda ang bahay. Hindi kami nakatira sa squatter. At mukhang mangyare iyon kapag hindi tumigil si mama sa pagsusugal.
Naging kaibigan ko si Marian noong naging kaklase ko siya ng elementary. Kahit naman maayus ang buhay namin dati ay sa public parin kami nag-aaral. Ayaw kasi kami sanayin ni papa sa private school at baka hindi na kami mag-aral sa public kapag naghirap na kami.
Ayaw kasi kaming sanayin ng mga magulang ko sa private. Mabuti na lang ay hindi kami sa private nag-aral dahil sa katayuan ng buhay namin ngayun.
" Hi." Kimi kung sambit kay Marian. Inaya naman niya ako sa loob ng bahay nila. Nakita ko ang mga kapatid niyang naglalaro sa maliit nilang sala's.
" Doon muna kayo sa kwarto." Utos ni Marian sa mga kapatid niya. Marami silang magkakapatid dahil masipag ang mga magulang niya na gumawa ng bata. Hirap na hirap na nga sila pero anak parin ng anak ang mga magulang ni Marian kaya hindi na siya nakakapag-aral ng maayus at ginusto na lang magtrabaho. " Upo ka, bes." Sabi niya sakin.
Naupo naman ako sa kahoy nilang upuan saka ngumiti dito.
" Salamat."
" Gusto mo ng softdrink? O juice?" Alok naman niya sakin kaya tumanggi ako. Busog na kasi ako at kumain na ako sa bahay.
" Wag na."
" Okey." Aniya saka naupo sa tabi ko at tumingin sakin. " Bakit ka pala nandito? May problema ba?"
Kapag may problema ako sa bahay, kina Marian lang ako pumupunta para huminga at maglabas ng sama ng loob. Mabuti na lang ay may kaibigan akong totoo sakin kahit magkaiba kami ng istado sa buhay.
Huminga ako ng malalim saka sinabi ang pagsasama ni mama ng lalake sa bahay at magsasama na sila.
" Ano? Grabe naman 'yang mama mo. Anong ginawa mo?" Tanong naman niya sakin habang nasa mukha parin ang gulat dahil sa narinig mula sakin.
" Ayun nagkasagutan kami kahapon. Pero desidedo talaga siyang ibahay ang lalake niya keso nakakaawa daw."
" Hala! Puro babae pa naman kayo." Nag-aalala na sabi nito.
" Kaya nga." May bahid na inis na sabi ko sabay buga ng hangin.
" Sino naman ang lalaking 'yun? Baliw na talaga ang mama mo no? Hindi nag-iisip."
" Subra." Sang-ayun ko. " Ewan ko, kung sino ang lalaking 'yun. Wala akong tiwala sa kanya." Inis ko parin sagot sa kanya.
" Kung nabubuhay lang sana ang papa mo hindi sana ito mangyayare sainyo." Malungkot ang boses na sabi niya sakin. Ramdam kung malungkot siya at awa dahil sa pinaggagawa ng mama ko.
" Kaya nga eh. Kung nabubuhay lang sana ang papa ko." Malungkot ko ring sagot kasabay ng pangingilid ng luha sa mga mata. Hindi sana namin mararanasan ito kung nabubuhay lang ang papa ko.
Hindi mag-iinum, magsusugal at manglalake ang mama ko.
" Pag-uusapan na naman kayo niyan."
" Ano pa nga ba." Pabuntong hininga kung sambit saka sumandal sa upuan.
" Tingin mo, makakapag-aral kapa? Kasi, sa ginagawa ng mama mo mauubos ang pera niyo." Muli ay nag-aalala niyang tanong sakin.
" Mukhang hindi na. Pero magtatrabaho ako para pag-aralin ang dalawa kung kapatid. Hindi na ako umaasa sa mama ko. Mukhang ubos na ang pera namin."
" Hay nako." Pabuntong hininga niyang sambit. " Sayang naman kung hindi ka mag-aaral ng college. Diba nangako ka sa papa mo na magtatapos ka?"
" Pero paano? Kung gano'n ang mama ko?" Frustrated na tanong ko sa kanya. Naiinis ako dahil pati pag-aaral ko ay maaapektuhan. Tama si Marian, nangako ako kay papa na magtatapos ako ng pag-aaral.
Pero mukhang hindi na ako makakapag-aral kung magtatayo ng sariling pamilya ang mama ko.
Lumapit ang kaibigan ko sakin saka niyakap ako patagilid at hinimas ang likod ko.
" May awa ang diyos. Malay mo makapag-aral ka sa susunod na pasukan. Ako wala na talagang pag-asa dahil sobrang hirap ng buhay namin."
Malungkot naman akong ngumiti kay Marian. Naaawa ako sa kaibigan ko. Yung gusto niya mag-aral dahil matalino ito ay hindi na pwede at kailangan na niya magtrabaho para tumulong sa mga magulang nito.
" Salamat, bes. Pinagaan mo ang loob ko." Wika ko sa kanya.
" Sus, sino bang magtutulungan? Diba tayo lang dahil friends tayo." Nakangiti nitong sambit sakin.
" Paano kung wala ka?" Naiiyak kung tanong sa kanya. Nagtatapang-tapangan lang ako para sa mga kapatid ko. " Baka tumalon na ako sa ilog." Dagdag na sabi ko sa kanya.
" Gaga." Bulalas nito sabay batok sa ulo ko pero mahina lang. " Subukan mo lang. Nandito naman ako palagi kung kailangan mo ng kausap. Wag nga lang pera dahil wala ako no'n." Nakangiti nitong wika at natawa naman ako sa biro niya.
" Thank you, bes." Wika ko.
" Sus, drama. Mag-iiyakan lang tayo eh. Ano kaya kung maghanap ka ng lalakig mayaman na madaling mamatay?" Pag-iiba niya ng usapan. Palagi niyang sinasabi iyon para makalayo na ako sa mama ko.
" Sira! Ayaw ko nga, kadiri." Ani ko. Ayaw ko sa lalake na subrang tanda sakin. Gusto ko mga limang taon lang ang tanda sakin.
" Kadiri ka diyan." Sikmat niya sakin. " Hindi lahat ng matatanda kadiri no? Minsan nga sila pa ang mas hot eh."
" Yuck!" Nakangiwing sambit ko sa kanya. Mahilig sa matatanda ang kaibigan ko. Mas gusto niya ay malaki ang agwat sa kanya. Mas matino daw kasi at matured ang lalaking matanda kesa sa bata.
" Yuck ka diyan." Muli ay sabi niya sakin. " Ang yummy kaya nila. God! Lalo na ang nasa pagitan ng mga hita nila." Kilig na kilig na sabi nito na parang nilagyan ng asin ang katawan.
" Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Kababae mong tao tapos ganyan ka magsalita?" Irita kung tanong sa kanya at kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya. Parang nahihiya ako sa kanya.
Wala pa kasi akong karanasan sa s*x o jowa kaya hindi ko alam ang sinasabi niya. Pero alam ko 'yung nasa pagitan ng hita ng mga lalake dahil napag-aaralan naman 'yun sa school.
" Kasi naman eh, ang gwapo ng amo ni nanay. Matanda na siya pero subrang hot niya." Kinikilig na kwento niya sakin. Isang kasambahay ang nanay ni Marian pero malapit lang 'yun dito.
" Kadiri ka naman. Pati ba naman 'yun pinagnanasaan mo pa? Baka kulubot na ang tt no'n." Natatawa kung sabi sa kanya.
" Hindi naman siguro." Pagtatanggol pa niya sa lalake habang nakanguso.
" Hay nako. Uwe na ako. Baka hinaantay na ako ng mga kapatid ko. Salamat pala huh? Gumaan na rin ang loob ko." Kapagkuwan ay paalam ko sa kanya.
" Wala 'yun. Basta punta ka lang dito. Welcume ka naman palagi." Nakangiti niyang sabi saka sinamahan na ako palabas sa lugar nila. Kilala naman ako sa lugar nila dahil palagi akong nandito. Kaya naman hindi ako ginagalaw ng mga tao dito.
Nagyakapan muna kami bago kami naghiwalay. Umuwe ako samin at naabutan ko ang mga kapatid ko habang nanunuod ng tv.
" Ate." Sambit ng dalawa ng makita ako.
" Hello." Sambit ko saka naupo sa sofa na pang-isahan.
" Saan ka galing?" Tanong naman ni Danaya sakin.
" Kina Marian lang." Sagot ko sa dalawa saka nanuod ng tv na pinapanuod nila. Isang Kdrama ang pinapanuod nila. Mahilig sila sa ganitong palabas.
Samantalang ako ay walang ka hilig-hilig.
" Anong ulam natin mamaya ate?" Tanong agad ni Yell sakin.
" Hindi ba nag-iwan ng pera si mama?" Tanong ko kay Danaya.
" Wala, sabi niya ikaw na ang bahala." Sagot nito dahilan para mapamura ako sa isip.
Tang ina.
Gigil na gigil ako dahil palaging walang iniiwan na pera ang mama ko. Ubos na ang grocery namin sa ref at kaunti na lang ang bigas sa lagayan. Hindi ko alam kung kailan aabot iyon. Ngayun may nadagdag pang palamunin. Tapos may utang pa kami sa tindahan dahil 'di nagbibigay kung minsan ang mama ko.
Badtrip talaga kapag may mama kang ganito na parang teenager kung umasta. Kung hindi ko lang ini-isip ang mga kapatid ko. Baka matagal na ako umalis sa bahay namin dahil sa mga pinaggagawa ng mama ko.
Ako na lang ang nahihiya sa mga pinaggagawa niya kapag tsinitsismis siya sa labas ng bahay. Parang wala naman pakialam ang mama ko.