ALINA KATE 01

1903 Words
MAY NEW STORY SANA PO MAGUSTUHAN NIYO AT SUBAYBAYAN NIYO PO ANG KWENTO NILA ALINA KATE AT CONRAD. SPG PO ITO KAYA SA MGA BATA DIYAN AY BAWAL PO ITO SA INYO. RATED SPG PO ITO AT TANGING MGA MATATANDA LANG ANG MAY ACCESS PO DITO SALAMAT PO 🥰 PLEASE FOLLOW SA MISMONG BOOK AND PAKI-FOLLOW NA RIN PO SA INYONG MGA LIBRARY 🥰😘 Chapter 01 ALINA KATE DIAZ POV PAG-UWE KO SA BAHAY ay sinalubong agad ako ng kapatid kung si Danaya, ang sumunod sakin. Galing ako sa paghahanap ng trabaho kasama ng kaibigan kung si Elena dahil bakasyon naman ngayun. Graduate na ako ng high school kaya naman sa susunod na pasukan ay college na ako. Kailangan ko ng trabaho para may pang baon ako pagdating ng pasukan. Ang mama ko kasi ay wala ng ginawa kundi magsugal at mag-inum ng alak. Isama pang nanglalake ito kaya pinag-uusapan na kami sa aming lugar dahil sa panglalake nito. Wala naman pakialam ang mama ko at gagawin niya talaga ang gusto niya. Puro bata pa naman ang jino-jowa niya kaya palagi kaming pinag-uusapan sa lugar namin. " Oh bakit?" Taka kung tanong sa aking kapatid na si Danaya. " Ate si mama may kasamang lalake sa bahay." Natataranta nitong sagot sakin kaya nagulat ako sa narinig at dali-daling pumunta sa bahay namin. Hindi kami mayaman o mahirap. Kahit papaano ay maayus ang pamumuhay namin sa buhay. Pero noon iyon, no'ng buhay pa si papa. Pero simula ng mamatay si papa ay naghirap na kami dahil pinagbibinta ni mama ang mga gamit na pinundar ng aking ama. Napunta lang sa pagsusugal at pag-inum nito ng alak. Mabuti nga ay hindi pa benebenta ang bahay namin dahil sa kaadikan nito sa sugal at inum, plus lalake pa. " Ma!" Sambit ko ng makita ko ang aking ina na nakikipagharutan sa lalake nito sa may sala's. Sumama agad ang mukha ko ng makita ko ang tagpong iyon habang salubong ang kilay ko. Tumigil naman ang dalawa at lumingon samin ng mapansin nilang nasa paligid lang kami ng anak niya. " Oh, Alina Kate. Kamusta ang paghahanap mo ng trabaho, anak?" Nakangiting tanong ni mama sakin na tila lasing dahil namumungay ang kanyang mga mata. " Wala po. Tatawagan na lang kami." Masama ang mukhang sagot ko habang nakatingin sa lalake nito. Nakangisi naman ang lalake na nakatingin samin dalawa ni Danaya. Tinaasan ko naman siya ng kilay saka bumaling sa ina. " Sino siya, Ma? Bago na naman ba?" Hindi ko napigilan tanong ko sa aking ina. Paiba iba kasi ng lalake ang kanyang ina at halos puro bata pa ang mga ito kumpara sa edad ng mama ko. Tapos ay ngayun lang siya nagdala ng lalake sa bahay sa unang pagkakataon. Nakangiti naman lumingon si mama sa lalake niya at hinalikan ito sa labi kaya mabilis kung tinakpan ang mga mata ni Danaya. At baka mapariwara pa ang kapatid ko dahil sa ginagawa ng mama ko. " Ano ba, Ma? Talagang sa harapan pa namin kayo naghahalikan?" Inis ko naman sambit sa ina. " Oh bakit? Boyfriend ko naman siya. Wala naman masama, diba babe?" May ngiti sa labi na tanong nito sa kanyang boyfriend na halata ng wala na sasarili ang mama niya dahil 'di na niya alam ang ginagawa niya. Tumango naman ang lalake habang nakangisi siya samin magkapatid. " Bakit ba siya nandito? Bakit kayo nagdala ng lalake dito sa bahay?" Hindi na siya nakapagpigil na magtanong ng walang halong panggalang dahil naiinis siya sa kanyang ina. Ang tanda-tanda na tapos nanglalake pa. " Dito na siya titira. Magsasama na kami ni Mark." Pagbabalita nito samin kaya nanglaki ang mga mata ko sa subrang pagkabigla sa nalaman. " Ma, seryuso ka? Dito mo patitirahin ang lalake mo? Puro kami babae oh?" Galit na tanong ko sa ina habang nagngangalit ang dibdib ko sa subrang galit sa ina dahil sa pagpapatira nito sa lalake niya dito sa bahay. " Oo naman, kawawa naman kasi ang babe ko eh. Wala na siyang matitirhan." Paglalambing pa nito sa boyfriend niya. Parang gusto kung masuka sa harapan nila dahil ako ang nangdidiri sa kanila. " Ma, hindi ito bahay ampunan para magpatira ka ng hindi natin kilala." Malumanay na sagot ko sa ina. Parang gusto kung magwala sa galit dahil sa mga pinaggagawa nito. Tumataas na ang dibdib ko sa subrang galit sa ina. " Bakit kaba nagagalit at tumututol?" Galit na tanong ni mama sakin habang may talim na ang mga mata niyang nakatingin sakin na tila hindi nagustuhan ang mga pagtututol ko. " Ako parin ang nanay sa bahay na ito. Kaya ako parin ang masusunod, anak ka lang." " Iyon nga po eh, anak ako. Kaya may karapatan 'din kami sa bahay na ito." Walang galang na sagot ko sa kanya dahilan para mas lalong tumalim ang mga mata nito. Sumusubra na kasi siya, halos ibenta na niya ang mga naipundar ni papa tapos ngayun ay patitirahin niya sa bahay ang boyfriend nito dahil lang sa naaawa siya. Hindi ba niya naisip na puro babae ang mga anak niya? Paano kung pagsamantalahin niya kami diba? Hindi siya nag-iisip. " Umalis alis ka nga sa harapan ko, Alina Kate. At baka hindi ako makapagpigil ay masampal kita." Mariin na utos niya sakin pero hindi ako nagpatinag sa ina. " Edi sampalin niyo." Galit na sabi ko. Wala na akong pakialam kung mama ko siya dahil naiinis na ako sa mga pinaggagawa niya. Sinaway naman ako ng kapatid ko. " Tama na ate." Ni minsan ay hindi pa kami napagbubuhatan ni mama o ni papa ng kamay. Baka ngayun ay mapagbuhatan na ako dahil sumasagot na ako sa kanya. Galit na galit naman si mama at parang gusto nga ako sampalin pero mabilis siyang inawat ng boyfriend nito at inaya naman ako ni Danaya na umalis. Sumama naman ako at pumunta kami sa labas ng bahay. Gigil na gigil parin ako sa aking ina. Kung may ibang matitirhan lang kaming magkakapatid ay baka iniwan na namin si mama. Ayaw kung tumira sa bahay namin habang nagsasama na sila ng lalake niya. Ngunit wala naman kaming mapupuntahan ng mga kapatid ko dahil nasa iba't ibang lugar ang mga kamag anak namin. " Tama na ate." Nakayakap na sabi sakin ni Danaya na tila umiiyak. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at naiiyak na rin ako. Kung nandito lang sana ang kanyang ama ay hindi magiging ganito si mama. Mahal na mahal ni mama si papa pero hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang mama ko. Dalawang taon palang namamatay si papa dahil sa sakit nito. Namatay si papa sa sakit na kidney at baga. Malakas kasi uminum at manigarilyo ang aking ama kaya iyon ang kinamatay niya. " Paano na tayo ate?" Tanong ng aking kapatid na tumingala pa sakin habang may luha sa mga mata nito. Pinunasan ko naman iyon gamit ng mga kamay ko. " Hindi ko alam, Danaya. Pero mag-iingat kayo sa lalaking iyon huh? Kayong dalawa ni Yell. Ayusin niyo ang pananamit niyo. At kapag maliligo kayo ay palagi niyong isasara ng maigi ang pintuan ng kwarto niyo huh?" Bilin ko sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung paano babaguhin ang isip ng aking ina. Mukhang desidedo na siyang patirahin sa bahay ang lalake niya. " Opo, ate. Wag mo kaming iiwan huh? Natatakot ako ate." Naiiyak na sabi nito na mas lalong yumakap sakin. Si Danaya ang mahina ang loob samin tatlo. " Oo naman, wag kana umiyak. Mamaga ang mga mata mo. Si Yell, nasaan?" Kapagkuwan ay hanap ko sa bunso namin kapatid. " Nasa kaibigan niya po, ate." Sagot nito. " Sige sunduin na natin at malapit ng maggabi." Wika ko saka pinakawalan na ito sa pagkakayakap at lumabas na kami sa bakuran namin. Pumunta kami sa bahay ng kaibigan ni Yell. At sinundo na namin siya. Dose anyos palang si Yell at walang pakialam sa mundo. Ang gusto lang nito ay maglaro lang at walang pakialam sa nangyayare sa paligid. Naging ganito si Yell ng mamatay si papa at manglalake si mama. Naisipan kung ilibre ang mga kapatid ko sa fastfood chain at ayaw kung magluto ngayun gabi. Bahala na sila mama sa pagkain nila. Aba! Sila na ang magluto kung gusto nilang kumain. " Wow, may trabaho kana ate?" Masayang tanong sakin ni Yell habang kumakain na kami sa isang kilalang fastfood. " Wala pa. Ipon ko lang 'tong pinangbayad ko dito." Nakangiti kung sagot sa kapatid sabay haplos sa mahaba niyang buhok. " Salamat ate." Masaya parin nitong sagot at maganang kumain. Si Danaya naman ay tila walang ganang kumain kaya kinausap ko siya. " Ayaw mo ba?" Marahan naman itong umiling. " Natatakot lang ako ate. Pwede bang sa kwarto muna lang kami matulog? Tabi tabi na lang tayo please?" Tanong nito na parang iiyak na naman. Halatang natatakot siya sa lalaking iyon. Kaya naman agad ko siyang niyakap at napalingon samin si Yell na tila nagtataka. " Why?" " Wala, kumain kana lang diyan. Mamaya may sa sabihin ako sayo." Wika ko at kumain na nga kaming tatlo. Nang matapos kumain ay naglakad na kaming pauwe sa bahay. Naglakad na lang kami dahil medyo malapit sa lugar namin ang pinagkainan namin at para bumaba na rin ang kinain namin. " Bunso." Tawag ko kay Yell habang nakaakbay ako sa kanya. " Po?" " May bago ng asawa si mama at titira na siya sa bahay natin." Pagbabalita ko saka minasdan ko siya kung ano ang magiging reaction niya. Pero nagkibit balikat lang siya at hindi katulad ng reaction ni Danaya. Parang wala lang dito ang pag-aasawa ng mama namin. " Anong nararamdaman mo?" " Wala, bahala na siya sa buhay niya. Matanda na siya." Saad nito sa seryusong mukha. Wala akong makitang emosyon doon kaya hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayun. Kaya naman nag-aalala ako para sa kanya. Pag-uwe sa bahay ay nakita kung naglalampungan parin ang mama ko at ang lalake niya sa sala's kaya hindi ko muna pinapasok ang mga kapatid ko. " Pwede ba, Ma. Sa kwarto niyo gawin 'yan? May mga bata dito." Inis kung saway sa kanila habang masama ang mukha ko. Inis namang tumayo si mama at binatukan ako sa ulo. " Epal ka talaga eh." Sabi pa nito saka inaya na niya ang boyfriend nito sa kwarto nila. Nangilid naman ang luha ko sa mga mata at tinignan ng masama ang dalawa. Inayus ko ang buhok kung nagulo saka Bumuntong-hininga at tinawag na ang dalawa kung kapatid. Pumunta na kami sa kwarto ko. Sa kwarto kona lang sila matutulog para maprotektahan ko lang sila. Bukas ay aayusin ko ang mga lock ng pintuan ng kwarto ko para hindi makapasok ang lalake sa loob kung sakaling may gawan siyang masama samin. Natatakot ako para sa mga kapatid ko at baka may gawin na masama ang lalake. Ewan koba sa mama ko at pinatira pa dito sa bahay ang lalake niya. Pwede naman magbukod na lang sila dahil bahay ito ng papa ko. Dinudungisan ni mama ang bahay na tinayo ng aking ama kaya subrang sama ng loob ko sa kanya. Matatanggap ko pa kung Mag-iinom lang siya dahil sa pagkawala ng papa ko. Pero ang manglalake siya at dito pa pinatira ay hindi ko matanggap ng subra. Lalo pa't may mga kapatid akong babae. Kaya ko ang sarili ko pero ang mga kapatid ko hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD