Chapter 74 CONRADO POV PINUNTAHAN KO SI JAYLORD SA dati kung bahay para magpasama dahil bibili akong pusa para kay Alina. Hindi ako mahilig sa hayop kaya nga hindi ako nag-aalaga sa bahay dahil tamad akong magpakain at mag-alaga. Samantala si Alina naman ay mahilig pala sa hayop. Ayaw kung kunin ang pusa ng lalaking nangungupahan sa apartment ko at hindi ko gusto ang mga tingin niya kay Alina. Mas mainam na lang bumili kesa manggaling sa lalaking 'yun at baka balakin niya pang ligawan ang dalaga. " Boss." Bati agad sakin ni Jaylord ng makapasok ako sa loob ng bahay ko. " Samahan mo nga ako at may bibilhin lang ako." Ani ko sa kanya. Isasama ko siya para may tagahawak ng pusa kapag nakabili na ako. May nahanap na ako sa online at pupuntahan kona lang para tignan kung maganda ba ang mga

