Chapter 73 ALiNA kATE POV NATIGILAN AKO SA PAGKALKAL ng bag ko para i-check kung nadala ko ba ang aking wallet ng maramdaman kung may lumapit sakin at inangat ko ang aking ulo. Nakita ko si Jena kasama ng mga kaibigan niya. " Bakit?" Taka kung tanong sa kanya. " Wala." Nakataas ang kilay na sagot ni Jena sakin saka kinuha ang bakanteng upuan at naupo sa tapat ko. " Napansin ko lang, panay ang tingin sayo ni Diego. Nililigawan kaba niya?" " Hindi." Mabilis kung sagot kasabay ng pagkunot ng nuo ko. " Bakit naman ako magpapaligaw, diba kayo na? So bakit pa ako magpapaligaw sa kanya." Muli ay tanong ko sa kanya. " Well, mabuti na 'yung nagkakaliwanagan tayo. Mamaya kasi agawin mo siya sakin." Saad nito sa mataray na tono. Napa-tsk at napataas ako ng labi sa sinabi niya. " Wag kang mag-a

