Chapter 72 ALiNA kATE POV LUMABAS NA AKO NG BAHAY habang nasa likod ko si tito Conrad dahil papasok na ako sa school. Ihahatid niya rin ako sa school para bawas pamasahe. Atsaka palagi naman dahil ayaw niyang may iba akong sinasamahan kahit si Santi at nagseselos siya. Lumakad na kami after maisara at mailock ang pintuan para walang makapasok sa bahay namin. Maraming mawawala sa bahay dahil maraming gamit si tito Conrad. Nakahawak ako sa braso niya habang pababa kami ng hagdan. Wala naman kaming nakakasalubong na tao kaya ayus lang. Nang makababa kami sa pangalawang palapag ay nakakita ako ng pusa na subrang cute. Maliit lang siya at mukhang ilang buwan palang. " Aw ang cute niya tito." Sabi ko saka lumapit sa pusang maliit. Wala naman lahi ang pusa pero ang ganda ng kulay niya. Naka

