Chapter 71 ALiNA kATE POV INIS AKONG PUMASOK SA LOOB ng bahay ng makaalis na ang mahadera. Inis na inis ako dahil kung ano-ano ang pinagsasabi niya at parang gusto pa niyang makipag-away sakin. Mabuti na lang talaga ay nasa taas kami at walang makakarinig sa mga pinagsasabi ng babaeng 'yun. " Nakakainis. Ano bang gusto niya huh? Talagang ipagkakalat niya na may relasyon tayo?" Gigil na sabi ko habang naggagalaiti sa subrang inis sa babaeng 'yun. " Hey!" Wika ni tito sabay yapos sakin mula sa likuran ko. " Hayaan muna siya. Ano naman kung malaman ng iba ang relasyon natin? Ayaw mo ba no'n?" Huminga naman ako ng malalim saka kumawala dito. " Okey naman sakin, my love. Kaya lang pag-uusapan nila tayo. Ano bawat labas natin diyan sa labas ay pag-uusapan nila tayo at pagtsismisan? Ayaw ko

